Chapter 40

3.3K 104 0
                                    

Author's POV

Isang linggo na ang nakalipas mula ng malaman nila ang katotohanan. At isang linggo na din simula ng bumalik si Megann sa pilipinas. Hindi nga ito magkandaugaga bago pa man ito makaalis.


Flashback

Sinamahan nina Sophie at Lianne si Megann para tulungan sa pag-e-empake. Madami-dami din kasi ang bitbit ni Megann dahil sa isang buwan nitong pamamalagi sa New York na palagi naman itong wala sa bahay at laging may pinupuntahan.

"Ate Megann, yung totoo, balak mo bang magbukas ng sariling boutique? Ang dami mong dalang damit?" natatawa at naiiling na sabi ni Sophie habang habang inilalagay sa isang malaking maleta ang isang supot ng damit na hawak nya.


Megann just shrug and smiled at her. "Hindi naman. Mawili lang akong mamili."


"Actually, napadami" tatawa-tawa namang singit ni Lianne.

Nakaupo sila sa sahig ng kwarto na tinutuluyan ni Megann. Mas mabilis nilang maaayos ang mga damit at gamit kapag nakalatag lang sa kanilang harapan ang mga bagay. Kasama ni Mitch si Yanny sa pagbili ng pagkain. May konting salo-salo sila para kay Megann bago ito umalis.

"Anyway" napatigil sila sa pagsasalita ni Sophie "I'm just wondering. Ano kaya ang nangyare noon kina ate Elli at Kevin. It seems that Kevin have a deepest secret"


Panandaliang napatigil si Megann. She wants to tell them what's the truth but she can't. She still can't. "I-i don't know"

Sabay namang nagkatinginan sa isa't isa sina Lianne at Sophie. They can sense something weird on Megann. Matagal na din nila itong nakasama at nakilala kaya may batayan sila.

Nakangiwi namang ngumiti sa kanila si Megann. It bothers them too. Hindi sila sanay na ganito ito. "Ate Megann are you alright?" akmang hahawakan sana ni Sophie ang noo ni Megann ng bigla itong umiwas.


Dali-dali na itong tumayo. Tumingin sa kanila saka kinuha ang pouch bag na nasa may kama lang nito. "May nakalimutan pala akong bilhin. I have to go. Bye"


Nang maisarado na ni Megann ang pinto ay napakamot na lang sa batok sina Lianne at Sophie. "Anong problem nun?"

---

"Bakit wala pa din si ate Megann? Saan ba nagpunta yun?" hindi mapigilang usisa ni Mitch habang inaayos ang hapagkainan.

Alas-otso na ng gabi pero hindi pa din ito nakakabalik. Kanina pa din tinatawagan ni Yanny si Megann pero kahit isa ay walang sagot. Ring lang ng ring.

Lumapit si Yanny sa isang bangko saka naupo "Baka naman may sinabi kayo kaya nagalit si ate Megann at umalis"


Nangungunot ang noo na umiling si Sophie "Wala kaming ginawa kanina. Swear. Tinanong lang namin yung tungkol sa past nina ate Elli at Kevin. Tapos parang bigla syang binuhusan ng ice bucket sa putla."


Sang-ayon namang tumango si Lianne "Tama! Napansin nyo din bang simula noong malaman natin ang totoo ay halos hindi na umuuwi si ate Megann. Pakiramdam ko nga may kinatatagpo sya" at sinabayan pa ito ng halakhak


"You know what, masama ang pag-usapan ang taong wala sa harapan natin." natatawa namang singit ni Bree

Clash II: Magic of Love or Power of DestinyWhere stories live. Discover now