Chapter 2

6.2K 154 8
                                    

Yanny's POV

Ilang araw ko ng hindi pinapansin si Francis. Manigas sya! Ni hindi nya nga ako inamo nung inaway ko sya. Hinayaan nya lang akong magalit sa kanya kaya manigas sya ngayon! Tsk.

Idagdag pa ang birthday celebration ko last week. Ni hindi man lang sya nag-abala na pumunta dito. Kahit isang text na 'Happy Birhtday' wala.

"Yanny, si Vianca ba gusto mong isama natin sa listahan ng bisita mo? Yung president ng school natin" nagpintig agad ang tenga ko sa salitang 'Vianca'. Napatingin ako kay Sophie na busy sa pagsusulat.

Magbubukas ako ng mini shop. Binigyan kasi ako ng capital ni mommy. Kailangan ko na kasing magsimula, yun ang sabi nya. Kaya ngayon, busy si Sophie sa paglilista ng mga pwede kong i-invited sa opening ng shop ko.

"Walang Vianca na pupunta sa shop ko. Mapa-V o mapa-B man yan. WALA!" galit na sabi ko at umalis. Alam kong nakatingin saken si Sophie habang ako ay naglalakad palabas ng bahay.

Argh! Nakakainis, nakakainis! Kung hindi lang talaga kailangan kong mapanatili ang record ko. Naku! Siguradong mauubos ko ang buhok ni Francis. Sa lahat ng parte ng katawan nya.

Nakarating ako sa park dahil sa kakalakad. May nakita pa akong isang sweet couple. Tsk! Such a sweet couple.

Naupo na lang ako sa pinakamalapit na swing na nakita ko sa park. Tumingala ako.

Ganito ba kapag inlove? Laging napa-paranoid?

Napabumuntong hininga na lang ako "Ang lalim naman nun?"

Napalingon ako sa nagsalita. Nakangiti sya saken. "Nagulat ba kita? Sorry. Nag-iisa ka kasi dito kaya naisipan kong lapitan na lang kita. Ako nga pala si Victor. Vic for short" inilahad nya ang kamay nya saken.

Hindi ko sya pinansin. Ano akala nya? Hindi ka sinu-swerte, uy!

"Hindi ka pala nakikipag-kaibigan. That's nice" napatingin agad ako sa kanya. Nakaupo na pala sya sa tabi ko. At teka nga. Baliw ba ang isang ito? Hindi ko na nga pinansin ang 'nice ko' pa daw.

Nakangiti pa din sya. In fairness. Pantay ang ngipin nya at mapuputi. Nakita ko syang tumayo na sa kinauupuan nya.

"Sige. Halata naman na ayaw mo ng kausap. Aalis na ako. Its nice meeting you" napairap ako. Buti naman alam nyang ayaw ko syang kausap.

"Yanny Anne Smith" natigilan ako. P-paano nya nalaman ang pangalan ko? At hindi lang pangalan. Buong pangalan to be exact.

Nang tangkang magsasalita na sana ako ay hindi ko na sya nakita. Pero may nakita akong naiwan ata nya.

Victor "Vic" Asuncion

4th year College

College of Abadans

Bs Pyschology

"Victor Asuncion? Never heard of him"

---

Tik Tok Tik Tok

"Yanny! Gumising ka na. Ano ba! Ngayon ang opening ng shop mo" alam kong si Sophie ang sumisigaw. Kasi sya lang naman ang kasama ko ngayon sa bahay.

"Yanny! Kapag hindi ka pa gumising tatawagan ko na si ate Elli" pagbabanta nya. Kaya kahit ayaw ko pang gumising ay kailangan kong bumangon.

Nag-unat muna ako. "Sophie naman. Ang aga pa kaya" sabi ko habang kinikusot ang mata ko.

"Oo. Maaga pa pero kailangan mo ng bumangon at mag-ayos. Grabe ka! Dapat kahit ngayong araw lang maging on time ka naman gumising" ang aga-aga, nasermonan na agad ako.

Clash II: Magic of Love or Power of DestinyWhere stories live. Discover now