Chapter 22

3.3K 113 1
                                    

Michael's POV

She changed alot. Ang ganda nya. Hindi! Lalo syang gumanda.


"Isang tanong isang sagot, adik ka ba?" naiiling na sabi ni Drei (twin ni Bree)

Tiningnan ko sya at napailing. Hindi pa ba sya nasanay? "Oo. Sagad na sagad na ang pagka-adik ko sa kapatid mo"

"Pshh! That's the reason why I don't want to fall" naiiling pang sabi nya


Itinago ko muna sa wallet ko ang picture ni Bree. Ito ang latest picture nya noong nag-photoshoot sya. Everytime na may mga pupuntahan syang event, parties o kaya ay photoshoot ay may pinapasunod ako sa kanya. Alright! Aamin na ako. Nagbayad ako ng tatlong secret bodyguard para sa kanya. Its better to be prepared than to be sorry.


"Kung puntahan mo na lang kaya sya" sabi nito "Nasa kabilang street lang naman itong tinitirhan ninyo tapos tinitingnan nyo lang sila sa malayo. Ano ito lokohan. Pinakiusapan mo akong pumunta dito para matulungan ka sa kapatid ko tapos wala ka namang ginagawa?"


Yeah. Yeah. Pinakiusapan ko ang kapatid ni Bree na tulungan ako. Yun nga lang, nahihirapan pa akong humanap ng tyempo. Kaya ang ginagawa ko na lang ay nagpapadala ako ng mga bulaklak sa kanya simula ng dumating kami dito.


Tama kayo ng basa. Sa New York na din kami nakatira. Hindi namin matiis na hindi sila makasama kaya napag-desisyunan naming sumunod sa kanila after six months. In touch pa naman kami sa trabaho namin sa pilipinas kaya walang magiging problema.


"Kung pwede lang edi sana napuntahan na namin sila simula nung makarating kami dito" medyo inis na sabi ko


Nang makarating kami dito sa New York ay agad naming pinuntahan ang address ng bahay nila. We waited until they come home. Gusto naming makita sila. Pero kami ang nagulat.

Fvck! May iba na sya? May iba na sya!? Damn! - sigaw ng isip ko



"Bakit kasi hindi mo siguraduhin kung tama yang mga hinala mo?" tanong ni Drei

Napabuntong-hininga ako "Anong gusto mong gawin ko? Komprontahin ko yung lalake na yun dahil ang babaeng pinagkaka-abalahan nya ay sa akin na?"

Umiling sya "Hindi mo ko-komprontahin. Tatanungin mo lang. At saka, akala ko ba nakakausap mo si Bree?"

Tumango ako "Oo. Bago sila umalis ay nakausap ko sya."

"Anong sabi nya?"

Napatungo ako "Nakausap ko naman sya ng maayos. Mukhang naiintindihan nya pero ang hindi ko maintindihan ay bakit parang pakiramdam ko ay magiging back to zero ulit kami"

"Yeah" sabi ni Drei "Kilala ko si Bree. You can't get her full trust unless you made her change her mind"

"Pero nung nakausap ko sya ay sinabi nyang napatawad na nya ako" sabi ko

Umiling sya "Paano ka naman nakakasiguro na totoo yun? Ni hindi mo nga nakita ang reaksyon nya. Alam ko na alam mong magaling magtago ng emosyon si Bree. At sana tandaan mo yan" tinapik muna ako ni Drei sa balikat bago sya lumabas


Napatulala ako sa sinabi nya. Seryoso ba sya? Hindi pa ako napapatawad ni Bree? Ganun ko ba sya nasaktan para magalit sya ng ganun saken. Pero nagpaliwanag na naman ako. Yun nga lang hindi pa lahat.



I'm really sorry Bree. Hindi ko sinadyang saktan ka. I promise, one of these days, magiging akin ka ulit.


Drei's POV

Pigil na pigil ang pagtawa ko dito sa labas ng private room ni Michael. Geez! Mukhang naniwala sya na hindi pa sya napapatawad ni Bree. Is he serious?


Alam kong napatawad na sya ni Bree. She already told me that before she went here. Good thing, ang bar na pinapatakbo ko sa pilipinas ay binabantayan ng isa kong pinsan. Magiging working field nya muna yun pansamantala habang wala kami. Kaya walang naging problema.


"Oh? Anong tinatawa-tawa mo dyan?" tanong ni Lois habang hawak ang isang design magazine

Ikinumpas ko ang kamay ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago sumagot. "Don't mind me"


Nagkibit balikat lang sya at nagpatuloy na sa paglalakad. I really find it weird.


"Lois?" tawag ko sa kanya

Tumigil sya sa paglalakad at humarap saken "Bakit?"

"I heard from a friend, Sophie's design are a blast. So, nag-desisyon ang buong team nila na magkaroon ng isang salo-salo" sabi ko. Napapangiti na lang ako ng lihim ng makita ko ang reaksyon nya

"Kelan yan?" mabilis syang nakalapit saken

Natawa naman ako "Saturday. 8 pm. Cruzade Hotel"

"Got it. Thanks!"


Napangiwi na lang ako ng mabilis syang umalis sa harapan ko. What was that?


See how it looks. Ang mga inlove ba ay dapat ganito ang ikinikilos? Halos stalker na nga ang pwedeng itawag sa mga ginagawa nila. Hay!


"Ang nagagawa talaga ang pag-ibig" napapailing na sabi ko

Lance's POV

"I WANT IT NOW!" inis na sigaw ko sa isang inutusan kong tao.


Kumuha ako ng taong pwedeng makatulong saken para matulungan ko si Mitch. Yeah! I'm helping Mitch from behind. Kahit na alam kong hindi na nya kailangan ang tulong ko. Still I want to help.


"Y-yes sir" nagmamadaling lumabas na ang tauhan nya


Minasahe na lang nya ang kanyang sentido. Gaano ba kahirap na mapapayag ang mga admin na yun para makakuha ng exam si Mitch.


I admit, tinupad ni Red ang pangako nya. Mitch is a successful woman now. And I am so proud of her.


Nagpapadala ako ng sulat kay Mitch every week. Heck! It was a gay thing but I can do things like that for Mitch. Pinagtawanan pa nga ako ni Drei na kapatid ni Bree ng malaman nya ang ginagawa ko. Tss.


Nabalik lamg ako sa huwisyo ng may magvibrate sa bulsa ko. Kinuha ko ang phone ko. I look at the caller and then answered.


"Hello?" this is me

(Lance. I've got an idea on how we can send Mitch there) sabi sa kabilang linya ni Red

"How?"

(Just watch and learn. Give us enough time, makakauwi si Mitch at ang iba.)

"Siguraduhin mo"

(Of course, I already promised you I'll give her back. So, now is the time)

"Fine. Maghihintay ako. Just please watch her for me"

(Sure)


I ended the call. This is frustrating! Ayoko ng tumagal ang panahon na hindi kami maayos ni Mitch. I want her!


Bumuntong hininga ako. Once na maayos na talaga ang gulo na ito ay sisiguraduhin kong maibabalik ko ang dating kami.


Pumikit ako tsaka inimagine ang magiging future ko with Mitch "I want to spend my life with you. But before that, gusto kong maging maayos ulit tayo" bulong ko


I hope you still love me. And if you don't, I'll make you fall inlove with me for the second time around.

******

Hey yo! Thursday ang next update :-) busy pa ako kaya medyo maikli. Hehe! Bawi na lang ako next time. Babush! <3

Clash II: Magic of Love or Power of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon