Chapter 5

4K 130 9
                                    

//// Lianne's POV ////

"Kailangang wag ma-stress ang kaibigan nyo. May tendency na ma-over fatigue sya. Ibibigay ko na lang ang reseta nya at painumin ninyo sa kanya" kumuha ng ballpen at papel ang doctor na tinawagan ko. Sya din ang tumingin kay ate Lily noon.

Tinurukan ng pampakalma si Mitch bago sya makatulog. Mabuti na lang at nadaanan ko ang bahay ng doctor. Binigay na nya saken ang reseta at nagpaalam na din. Hinatid ko sya hanggang sa gate.

"Salamat po doc Eddie" kumaway na lang sya ng makapasok na sya sa kotse.

Bumalik na ako sa kwarto ni Mitch. Nandito na din si Yanny. Mamaya pang madaling-araw ang dating ni Bree galing sa Hongkong.

"Guys, ako na ang bibili ng gamot. Kayo na muna ang bahala" tumango na lang si Yanny at si Sophie.

Kinuha ko na yung wallet ko at umalis. Baka kasi magising agad si Mitch. Maganda na yung handa.

Ginamit ko ang sasakyan ni Yanny. Wala ng gas kasi yung saken. Pumunta na lang ako sa pinakamalapit na Mercury drugs at dun bumili. Naisipan kong mag-drive thru sa Jollibee para bumili ng spaghetti. Hindi ko nga alam kung bakit.

Medyo madami ang mga sasakyang nakapila. Kaya kailangan kong maghintay. Pang-tatlo na ako sa pila ng may mapansin akong sasakyan na pamilyar saken. Hinintay ko na bumaba ang nasa loob para makasigurado ako.

WTF! Hindi ako nagkamali. Si Bryan nga. At ang hudyo may kasamang linta!

Beep beep beep

Nagulat ako sa pagbusina ng nasa likuran ko. Ako na pala ang sunod. Hindi ko namalayan. Um-order na ako. Pitong spaghetti at isang bucket na chicken. Habang kinukuha yung order ko ay nakatingin pa din ako kay Bryan at dun sa linta.

Biglang may magandang ideya akong naisip. Tutal ako naman ang fiancee dito ay may karapatan ako. Kay Bryan at kahit sinong linta na aaligid sa magiging asawa ko.

"Here's your order ma'am. Thank you and come again" nakangiting abot saken ni Ms. Jollibee.

I smile in return. Baka sabihin ni Ms. Jollibee na masyado akong seryoso sa buhay. "Thank you" sabi ko

Umalis na ako. Yes, umalis na ako sa pila lang pero papasok ako sa loob. Ano akala ni Bryan? Makakalusot sya saken? Neknek nya!

Nag-park muna ako. Iniwan ko ang lahat ng gamit ko maliban sa susi ko. Inayos ko muna ang sarili ko pati facial expression.

Naglakad na ako papasok. Sa nakita ko kanina, umakyat yung linta sa second floor kaya doon ako pupunta.

"Good evening ma'am" bati saken ni kuya guard.

Ngumiti na lang ako ng pilit. Kailangan kong ma-maintain ang galit ko para kapag nakaharap ko sila ay magsisisi silang ginalit nila ang isang Lianne Shey Darby.

Nahirapan pa akong hanapin sila pero dahil sa hamak na may ka-gwapuhang taglay ang aking fiancee ay nakita ko sila agad. Salamat dahil sa mga tsismosang babae na kinikilig sa fiancee ko kaya nahanap ko ang target ko.

Lumakad ako ng may poise. Nakita ko pang napatayo si Bryan ng makita nya ako. Lalapitan na sana nya ako ng senyasan ko syang wag syang lalapit.

"Hi" nakangiti kong bati kay Linta. Nakangiti pa ako sa kanya kahit na gustong-gusto ko na syang banatan ng sampal at suntok sa tagiliran.

"Duh! Who are you" maarteng sabi nya

Hindi ko pinansin ang sinabi nyang kaartehan. Tiningnan ko na lang ang order nila. Wow! What a coincidence. Spaghetti din ang binili nila. Note the sarcasm there.

Clash II: Magic of Love or Power of DestinyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt