Chapter 15

3.9K 111 6
                                    

Lianne's POV

Nag-eempake na kami ngayon. Aalis na kasi kami. Kahit three days lang kami dito ay minahal ko na din ang lugar na ito.

"Mami-miss ko ang lugar na ito" sabi ko habang inilalagay ko ang huling damit ko

"Ako din naman. Ito na ang the best resort para saken. Bakit kaya ngayon lang natin ito nalaman?" sabi naman ni Sophie

"Sabi din kasi ng receptionist na ko-konti lang talaga ang may alam ng lugar na ito. Private resort kasi" paliwanang ni Yanny

Napatango-tango ako sa sinabi nya. Napatingin kami kay Bree ng bigla syang tumayo "We need to go somewhere now before we go to the airport" anunsyo ni Bree matapos syang makapag-empake

"Saan naman?" tanong ko habang sinasara ang bag ng bagahe ko

"Sa lugar na kung saan makakakuha tayo ng kasagutan" makahulugang sabi nya

"Kasagutan? Saan?" tanong naman ni Yanny

Tumingin muna sa phone nya si Bree bago sumagot "Just wait and see"  at kinindatan pa kami ni Bree. May alam ba sya na hindi namin alam. Hay!

---

Nakatingin lang ako sa bahay na nasa harapan namin. Dito daw kasi yung lugar na makakakuha kami ng kasagutan yun ang sabi ni Bree. Ang labo nga eh.

Modern house na medyo may konting pagka-vintage style ang bahay. Ang astig nga! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong bahay.

"Kaninong bahay ito?" tanong ni Mitch

Nagkibit-balikat lang si Bree at dire-diretso ang pasok sa loob. Sumunod na lang kami.  Minsan talaga ang hirap basahin ng iniisip ni Bree.

Sumunod na lang kami. Wala naman kasi kaming makukuha kung tatayo lang kami dito sa labas.

Naunang pumasok si Yanny at sumunod na si Mitch. Magkasabay naman kami ni Sophie na pumasok.

"Whatda!" napatigil kami ng marinig naming magsalita si Yanny "Ano na namang kalokohan ito?"

Mitch's POV

"Ano na namang kalokohan ito?" hindi makapaniwalang tanong ni Yanny

Ako? Tulala lang. Hindi ma-digest ng utak at mata ko ang mga nakikita ko ngayon.

"Bakit? Anong meron?" tanong ni Sophie na kakarating lang kasabay si Lianne

Hindi ko sila sinagot pero itinuro ko lang ang mga paintings na nasa may dingding ng bahay.

Napanganga sina Sophie at Lianne sa nakita. Hindi din sila makapaniwala. Bakit ba kasi mga mukha namin ang nasa painting?

"Someone texted me to go here. At first, hindi ako pumayag pero sa huli ay napapayag na din nya ako. Then, ito pala yung sinasabi nya" nakangiting paliwanag ni Bree samen

"Eh, sino ba yun?" tanong ni Yanny

"Someone I don't know in person" simpleng sagot nya

Hindi ko napigilan pero lumapit ako sa painting na mukha ko ang nakapaint. Mataas man ang pagkakalagay sa dingding pero na-manage ko pa ding mahaplos yun kahit yung baba lang.

"Sinabi ba nya kung sino ang gumawa nito?" tanong ko kay Bree

Umiling sya "I don't have any idea but I am suspecting someone" sagot nya

"Sino?" tanong ni Lianne. Lumapit na din sya sa painting.

"Ang mga boys" sagot ni Bree

"What? Paano?" sabi ni Yanny "Gulong-gulo na talaga ako. Pwede bang ipaliwanag nyo ng maayos"

Clash II: Magic of Love or Power of DestinyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang