Chapter 38

3.9K 130 13
                                    

Lianne's POV

Hindi talaga ako makapaniwala. I never thought of this. Ang buong akala namin ay niloloko lang kami ng mga boys. Ang lakas pa naman ng pagkakasipa ko sa kanya noon sa bar ni ate Megann.

Napangiwi akong napatingin kay Bryan na busy sa pagda-drive. Pauwi na kami galing sa resort nina Kevin. At first,  syempre nasaktan kami dahil nagsinungaling ang mga boys samen pero kung iisiping mabuti ay mas magiging mahirap kung ipinaalam nila samen ang problema. Knowing us, we, the amazonas, will never let those stupid obsessed girls take over the boys. Never!

Nauna na kaming umuwi sa kanila. Bryan invited me to a dinner. Pambawi nya daw saken. Para naman saken ay hindi na kailangan dahil sapat na ang malaman kong mahal pa din nya ako at wala syang ibang minahal kung hindi ako lang. Chessy. Yes, I am.

Kung susumahin, madami ang nagawa kong mali sa kanya. Sinaktan ko sya (physically), napagsalitaan ng masama at napagkamalan ko pang may pamilya na sya. Nasayang lang pala lahat ang iyak ko.


Nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ay tiningnan nya ako saglit "Bakit HONEYBEE? May problema ba?"

Iling agad ang isinagot ko. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kung ano. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Geez! Si Bryan lang yan pero nagkaka-ganito na ako. Pshh.


I heard him chuckle. Napanguso na ako. "Ano namang nakakatawa?" hindi ko na mapigilan at tinarayan ko na sya. Asar kasi!


Umiling sya "Wala naman. Ang cute mo kasing tingnan"

Bigla namang akong nainitan sa sinabi nya. Napahawak ako sa pisnge ko. Shet! Ang init. Paniguradong mapula na ang mukha ko. Nabigla ako sa sinabi nya kaya hindi ako nakapaghanda.

Ilang sandali pa ay tumunog ang phone nya. Pasimpleng tiningnan ko sya. Ang isang kamay nya ay nakahawak sa manibela at ang isa ay nakahawak sa phone nya.  Napairap ako ng may narinig akong binanggit nyang 'Wendy.' Kababati lang namin tapos may kausap na agad syang ibang babae. Pshh.

Nakita naman nya ang pag-irap ko. Mukhang sayang-saya pa ang loko dahil natatawa pa ito habang kinakausap ang 'Wendy' nya. Magsama sila!

Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas. Naiirita ako na may kausap si Bryan. Nakalimutan ba nyang may kasama sya. Kung makipag-usap naman sa katawagan nya ay kainaman.

Napatingin ako bigla sa kanya ng marinig ko mismo ang usapan nila. He put it in loud speaker. Narinig ko pang tumatawa ang babaeng nasa kabilang linya. Tiningnan ko si Bryan na nakatingin sa daan habang nakangiti.


"Oo. Kasama ko sya ngayon. Mukha ngang nagseselos eh" tumingin sya saken saka ako kinindatan at binalik na ang tingin sa daan.

Napairap pa ako lalo. Sinong tinutukoy nyang nagseselos? Ako? Nagseselos? Sapakin ko kaya ang kausap nya para malaman nyang hindi ako nagseselos. Bwisit!


"Ikaw naman kasi. Wag mo syang pagselosin. Baka iwan ka ulit nyan. Kapag nangyare yun babalik ka na ulit sa piling ko at kay William na anak ko" nag-alboroto na ako sa narinig ko. Sinamaan ko na ng tingin si Bryan.


"Wendy!" Halos mamula na sa pagsigaw si Bryan. Pinipigilan nya sa pagsasalita si Wendy.


Umalingawngaw naman sa kabilang linya ang halakhak ni Wendy. Yung parang nasaksihan nya ang isang kaganapan na sobra syang pinatuwa "I bet pulang-pula ka na ngayon Bryan. I was just kidding, okay. Besides ayokong maging ama ka ng anak ko."

Clash II: Magic of Love or Power of DestinyWhere stories live. Discover now