Chapter 9

4.4K 133 13
                                    

//// Lianne's POV ////


Nasa isang resort kami ngayon na hindi ko alam na nag-e-exist pala. Grabe! Ang ganda. Sobra. Hindi namin in-expect na may ganito pang resort na hindi pa nakikilala.


"Ate Elli sino ang mag-ari ng resort na ito" biglang tanong ni Yanny habang naglalakad kami papunta sa resthouse na nirentahan ni ate Elli. Actually, kadarating lang namin.


Napahinto si ate Elli tsaka sya nagsalita "Its not important. Ang mas importante ay makapagpahinga kayo dito at makapag-relax"


Nagkibit-balikat na lang ako at nauna ng lumakad. Hindi ko na din narinig na nagsalita si Yanny. Sa buong byahe ay tahimik lang sina Bree at Mitch. Kay Bree ay hilig na nyang tumahimik pero si Mitch. Wala sa bokabularyo nya ang manahimik. Sobra nya kasing mahal si ---


Aish! Stop thinking of them! Remember the rules. Argh!

"Lianne tayo na lang ang magroommate" sabi ni Sophie ng makapasok kami sa resthouse na malapit sa beach. Honestly, kami lang ata ang taong nandito ngayon.

"Sige" sagot ko kay Sophie. Mas mabuti na ang may katabi kesa naman sa magsolo ako dito. At saka para may makausap naman ako bago matulog.


Inilapag lang namin ang mga bagahe na dala namin. Bukas na lang kami mag-aayos. Nakakapagod kasi ang byahe.


"Guys aalis na ako" napatingin agad kami kay ate Elli na nasa may pinto na.


"What?" angal agad ni Yanny "Ate dito ka na lang kaya muna. Gabi na din kasi" totoo naman. Gabi na din kasi. Masyado kasing malayo ang lugar na ito bago kami makarating.


"Don't worry. Actually may kakilala ako dito sa malapit kaya doon ako pupunta. Hindi pa ako uuwi" paliwanag ni ate Elli


Napatango na lang kami. Agad naman na lumapit si Yanny sa ate nya at niyakap ng mahigpit.


"Thank you ate" rinig kong sabi nya. Nanatili lang kaming nakatingin sa magkayakap na magkapatid.


"For?" natatawang tanong ni ate Elli


Kumawala muna sa yakap si Yanny bago sumagot "For everything. For helping us out."

"No biggy sis. In fact, it was my responsibility to protect and love you all so, no need of saying that, okay?" sa sinabi ni ate Elli ay agad kaming lumapit sa kanila at nag-group hug kami.


We're so blessed for having our family. For being there for us everytime when in need. Haist! Yun nga lang, minalas yata sa lovelife. Tsk.

//// Mitch's POV ////


Masaya ako dahil kahit anong mangyare ay nandito pa din ang mga kaibigan ko. Sobra akong nagpapasalamat. As in sobra! Yun nga lang, hindi ko mapigilan ang sarili ko na malungkot dahil sa ---- ARGH! The rules! The rules!

"Guys hindi ko ata kaya" bigla kong sabi sa kanila. Nakaalis na kanina pa si ate Elli kaya nandito kami ngayon at nakaupo sa mat sa may sahig.

"Ang alin?" tanong ni Sophie habang may hinahalwat sa loob ng bagahe nya

Clash II: Magic of Love or Power of DestinyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang