Chapter 28

3.4K 109 6
                                    

Mitch's POV


Meron bang nangyare na hindi ko nalalaman? Ang daya naman! Nagmu-mukha akong tanga na nakatingin lang sa kanila.



"Wala ba kayong balak kumain?" basag ko sa katahimikan nila



Matapos naming mamili kanina ay nag-volunteer na magluto si ate Megann. Sa kasamaang palad, hindi namin namalayan kanina na napahiwalay si Lianne. Mabuti na lang at nakita namin sya habang tumatakbo. Yun nga lang, yung grocery na kinuha namin ay hindi nya dala at ang sabi lang nya ay sa iba na lang kami bumili. Kaya no choice kami. Mukhang badtrip si Lianne eh. Malay ko nga kung bakit.



Si Yanny at Sophie ay napabuntong-hininga habang si Lianne ay iiling-iling lang. "Ano na?" naiinit kong tanong


"Tara. Tayo na lang ang kumain" nabaling ang tingin ko kay ate Megann na nagsimula ng kumain.


Hay. Kung ayaw nilang kumain ay hindi ko na yun po-problemahin. Bahala sila. "Sige. Kung ayaw nyong kumain ay kami na lang ang kakain" sabi ko


Habang kumakain ay nakatingin lang si Bree samen. Teka nga lang? Pati rin sya? "Hindi ka din kakain?" tanong ko kay Bree


"Of course not. May biglang pumasok lang sa isip ko" sabi nitp at sumubo na din



Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Kahit na mukhang nabu-buang na ang tatlo kong kaibigan na nasa harapan na nga ng pagkain pero nakatulala pa din.



"HINDI KO NA KAYA!?" nabitawan ko ang kutsara na hawak ko ng biglang sumigaw si Lianne at napatayo pa


"Ano ba Lianne! Kung makasigaw ka kainaman"inis na sabi ko



Naupo ulit sya sa upuan nya. Tiningnan nya kami isa-isa. Napataas ang kilay ko. Ano bang trip nya?



"May problema ba?" tanong ni ate Megann


Tumungo si Lianne saka nagsalita "N-nakita ko si B-bryan"


"Ano?" sabay-sabay naming sabi


"M-may anak na sya" napaiyak na sya ng sinabi nya yun



What? M-may anak na si Bryan. Agad-agad? Seryos? Oh no!

Linapitan ni Bree si Lianne saka niyakap. Umiiyak pa din kasi ito. Lumapit na din si ate Megann.



"Si Francis din" biglang singit ni Yanny


Napamulagat ako "May anak na din?" hindi makapaniwalang tanong ko


"Gaga, hindi! Nakita ko lang sya. At may kailangan ako sa kanya. Kailangan ko syang makumbinsi na makipag-merge sa company ni Mrs. Furushima" nakakunot ang noo na sabi nito


"Oh my!" nasabi ko na lang. Ibig bang sabihin na may second time pang magkikita sila? Paano na si Yanny?


"Akala nyo lang ba ay kayo lang" singit naman ni Sophie "Yung gagong si Lois ay kinasapakat pa ang pinsan nya. Sya ang big client namin at ako ang naka-assign sa design na order nila"


Wait? Bakit isa-isang naglalabasan ang mga boys? Nagpaparamdam ba sila o sinasadyang guluhin lang ulit kami.



"I have a bad feeling about this" napatingin kami kay Bree


"Anong ibig kong sabihin?" kunot-noong tanong ni Lianne


"I talked to Gian. He told me something"




Clash II: Magic of Love or Power of DestinyWhere stories live. Discover now