Chapter 1

17.4K 227 9
                                    

Bago simulan ay pakibasa muna ang book 1 nitong story. Clash: Casanovas vs. Amazonas. Para mas madaling ma-gets ang simula. Visit my profile, tingnan nyo na lang sa works ko. Thanks! And if okay na, let the ball rolling!

(c) KrungRi_Gizibe for the cover. Thank you po ate. Ang ganda talaga ng cover na ginawa mo. I love it! ^.^

=============

Love or Destiny

//// Sophie's POV ////

"NU!" sigaw ko. Kapag nanalo ang NU, panalo din ako sa pustahan namin ni Lois.

"UP!" sumisigaw na din sya. Malakas ang pakiramdam ko na NU ang mananalo sa UAAP cheerdance competition. Sa UP naman pumusta si Lois.

Kanina pa kami sumisigaw dito kahit hindi pa nagsisimula ang laban. Nagpustahan kasi kami ni Lois na kapag ako ang nanalo ay ipapasuot ko sa kanya ang ilang gown na design ko. Fashion design kasi ang kinukuha kong course. At graduating na din ako. Syempre, ganun din ang ibang girls.

"UP na yan! The best. Sila ang mananalo" sabi ni Lois at binalingan ako "And be ready Sophie. Sisiguraduhin kong makakasama ka sa saken sa beach" and he wink at me. Kapag nanalo naman si Lois ay kailangan kong sumama sa beach.

"Sigurado ka? NU pa din ako. At dapat ikaw ang maghanda dahil ako ang mananalo. Itaga mo pa yan sa balat mo" maangas kong sabi. Kung sakaling matalo man ako, meron pa naman akong alas. Huh! Anong akala ni Lois maiisahan nya ako. Belat na lang sya!

"Tingnan na lang natin" sabi nya at nagtuon na sa panonood. Nag-announce na kasi na magsisimula na kaya nanahimik na kami. At buti na lang dahil may date sina Yanny at Lianne kasama mga boyfriend nila habang si Mitch ay may cooking lesson with her personal teacher na si Lance. Si Bree naman ay may photoshoot ngayon dahil simula ng mag-model si Bree sa company nina Michael ay naging official na syang model doon at si Michael ang partner nya.

Tutok na tutok lang kami sa panonood. Walang kumikibo. Seryoso lang sa panonood. At nakakapanindig balahibo. Ang gagaling nilang lahat. Grabe!

Natapos ng mag-perform ang lahat ng mga kasaling university kaya ang hinihintay na lang ay ang result. Kinakabahan ako. Lahat kasi sila magagaling. Hindi ko masabi kung sino ang mananalo.

"Malapit na" bulong ni Lois saken. Bumubulong pa magkalapit naman kami. Napailing na lang ako.

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago sabihin ang panalo. Sobrang saya ni Lois dahil 1st ang UP pero mas masaya ako dahil champion ang NU. Woooh! Ang galing-galing! Congrats.

"So, paano ba yan?" sabi ko kay Lois matapos nyang magsaya dahil panalo din ang UP pero ako pa din ang panalo dahil NU ang champion.

Naghalukipkip sya "Pwede bang 50-50 tayo. Papayag akong suotin yung design mo pero sasama ka pa din sa akin sa beach. Ano sa tingin mo?" Tsk! Ano akala ni Lois sa aken. Uto-uto?

"Ano ka sinu-swerte? Hala! Umayos ka na nga. Kukunin ko lang yung gown" sabi ko. Grabe! Excited na ako.

"Tsk! Madaya! Walang konsiderasyon" bulong ni Lois at umayos na upo sa sofa.

Tiningnan ko sya "No way! Hindi ka pinanganak na swerte kaya wag kang mangarap" sabi ko

"Okay lang. Pinanganak naman ako para mahalin ka kaya swerte pa din ako" at nag-wink pa sya saken. Napatanga na lang ako. This past few years, ang dami ng nagbago at isa na si Lois. Naging sweet na sya at sinusunod lahat ng gusto ko. Pabor naman saken yun.

Iningusan ko na lang sya. Baka kasi lumaki ang ulo kapag pinakita kong kinikilig ako sa sinabi nya. Kaya mas mabuti pang kunin ko na lang ang gown na design ko. This is so exciting. May pam-blackmail na naman ako sa kanya. Saya!

Clash II: Magic of Love or Power of DestinyWhere stories live. Discover now