Chapter 39

4.8K 112 12
                                    

Mitch's POV



Nakangiti akong nakatingin kay Lance na papalapit na saken habang hawak ang dalawang ice cream na nasa magkabilang kamay nya. After ng revelations na nangyare, dinala ako ni Lance sa mga lugar na hindi ko alam na nag-e-exist pala sa New York at ang pinakanagustuhan kong pinuntahan namin ay ang Metropolitan Museum of Arts. Wala man akong gaanong alam sa arts pero kaya kong mag-appreciate ng mga likhang kamay. Kahit na matagal na kaming nandito sa New York ay hindi pa ako nagkakaroon ng pagkakataong makapasyal ng bongga. Ngayon lang at kasama pa si Lance.




"Here's your ice cream. Mocha flavor" inabot na nya saken ang isang dirty ice cream. Sobra kasi akong naglaway kanina noong makita kong may nagti-tinda at napansin agad yun ni Lance kaya binilhan nya agad ako.



Kinuha ko muna ang ice cream na binibigay nya bago ako nakapag-thank you. Naupo sya sa tabi ko dito sa may bench ng park. Tahimik nya ding kinain ang ice cream na binili nya na sa tantya ko ay rocky road ang flavor. I can't still believe that this is happening. Na sa isang iglap lang ay nawala lahat ng sakit at galit sa dibdib ko para kay Lance.  Parang nabunutan ako ng tinik noong nalaman ko ang totoo.



"May problema ba?" napansin siguro ni Lance na hindi ko na ginagalaw ang ice cream ko dahil sa kakaisip


Umiling ako "Nothing" simple kong sagot.



Kahit pa sabihing naipaliwanag na nila ang side nila ay may bagay pa talaga akong gustong malaman. At gusto ko mismo kay Lance malaman yun. Ang problema, hindi ko alam kung paano sisimulan at sasabihin sa kanya yun.



Paminsan-minsan sa ninanakawan ko ng tingin si Lance. Hindi talaga ako mapakali. Gusto ko ng maalis lahat ng bigat ng problema ko tungkol sa nangyare noon. Para kasing pakiramdam ko ay may isa pang nakabaon na tinik sa may dibdib ko na dapat ng ding tanggalin.



Sa kakaisip ay hindi ko namalayan na natunas na pala ang ice cream ko. Napanguso ako. Sayang yung ice cream ko. "Okay ka lang ba talaga? Ang lalim ata ng iniisip mo" nilabas ni Lance ang panyo at ibinigay saken saka kinuha saken ang ice cream na natunas saka tinapon sa pinakamalapit na basurahan.



His little gestures makes me smile. Namiss ko bigla ang sweetness namin noon. Ang mga bagay na akala ko ay hindi kayang gawin ni Lance. He can answer all my whims. He accepts that sometimes I am childish. Lahat ng yun ay tinanggap nya ng buong-buo.



Habang pinupunasan ko ang kamay ko ay matamang tinititigan ako ni Lance. Napatunghay ako dahil dun. "Bakit?" inosente kong tanong


"Tell me honestly, is there something bothering you?" seryoso nitong tanong saken



Binaba ko na muna ang panyo na hawak ko. Siguro mas mabuti pa ngang sabihin ko na sa kanya ang totoo. Ako lang din naman ang mahihirapan sameng dalawa kapag itinago ko sa kanya yun. Matagal ko ng hinanda ang sarili para sa pagdating ng araw na ito. Nag-ipon muna ako ng lakas saka nagsalita.



"I want to get an honest answer from you" panimula ko at tumango naman sya. Tahimik syang naghihintay sa sunod kong sasabihin "Noong sinundan kita hanggang sa condo mo nung may kasama kang iba, totoo ba lahat ng yun o kasama lang din sa palabas ninyo?"



Natigilan naman sya saglit sa sinabi ko at nakabawi din agad. Hay! Bigla akong kinabahan sa kung ano mang isasagot nya. Daig pa sa naramdaman ko noong hinihintay ko ang resulta sa kanila exam ko.



Ngumiti sya saken. Is it a good sign or bad? "Of course, it was just an act" nakahinga ako ng malalim. Thank God! Pero may isa pa akong gustong malaman


Clash II: Magic of Love or Power of DestinyWhere stories live. Discover now