Chapter 13

3.4K 116 9
                                    

Dedicated: @miss_14kimie

Hehe! Request nya kasi. So here it is. Sana magustuhan mo. Next time ko na lang ilalagay sa totoong dedication. Phone lang kasi ang gamit ko. Tapos mahina pa ang net. May bagyo kasi -.- So, yun lang. Bye ~

Sophie's POV

"HOY! ANONG GINAGAWA NYO DITO!?" natigil kami sa paglalaro ng scrable ng marinig namin ang sigaw ni Lianne sa labas.

Alam ko ang boses ni Lianne kaya sigurado ako. Teka? Sino naman kaya ang kaaway ng isang yun? Hanggang dito ba naman? Hay!

"Correct me if I'm wrong pero si Lianne ba yun?" tanong ni ate Megann

"Yes" si Bree na mismo ang sumagot.

Napatayo na si ate Megann at agad ng lumabas. Napasunod naman kami nina Yanny at Bree. Natigilan kami ng biglang mapatigil sa paglalakad si ate Megann ng nasa may pinto na kami.

"HINDI KAYO PWEDE DITO!?" sigaw ulit ni Lianne.

"Nandito sila?" bulong na sabi ni ate Megann. Nasa likuran lang naman nya ako kaya rinig ko ang bulong nya.

"Anong sabi mo ate?" tanong ko kay ate Megann

Umiling-iling na lang sya at nagpatuloy sa paglalakad. Sumunod na lang ulit kami. At watdapak! Agad kong nakita ang mga hinayupak. Ano kayang masamang espirito ang sumanib sa mga yun at nakarating dito. Pshh!

"What are they doing here?" rinig kong sabi ni Bree

"At bakit kasama si ate?" dugtong na tanong ni Yanny

---

Naka-cross arms kaming mga girls habang nakatingin sa mga boys. Kanina ay magkakaroon na sana ng world war three mabuti na lang at napigilan kami ng receptionist. Kaya ang ending ay nandito kami sa isang nipa hut malapit lang sa resthouse na inuupahan namin.


"Anong ginagawa nyo dito?" mataray na tanong ni Lianne

"Girls. Calm down" mahinahong sabi ni ate Elli

"Ate! Paano kami magka-calm down kung nasa harap namin sila?" inis na sabi ni Yanny "At tsaka, bakit mo sila isinama dito?"

"Yanny" sabi ni ate Elli "They're here to let you all sign a contract"

"No way!" agad kong sagot

"Girls! Makinig muna kayo" sabi ni ate Elli

"Ate Elli, we already had enough" singit naman ni Bree

Sa pag-uusap namin ay nanatiling tahimik lang ang mga boys. Alam kong nakatingin saken ngayon si Lois pero umulan man ng iphone 5 hinding-hindi ko sya titingnan. Neknek nya!

"Just sign the contract. Aalis din kami agad" nakatingin kay Mitch si Lance habang sinasabi nya yun. Hindi umaalis ang tingin ni Lance kay Mitch.

Huminga muna ng malalim si Mitch "Pwede naman kayong umalis, may pumipigil ba sa inyo?" sarcastic na sabi nya

Napangiti ako. Mukhang bumabalik na ang dating Mitch. Good news! Pero bad news ang nandito sila (mga boys).

Hindi na nagsalita si Lance. Inilapag na lang nya sa lamesang kahoy ang hawak nyang kontrata. Hindi ko nga alam kung anong kontrata yun.

"Just sign the contract girls" napatingin ako sa biglang pagsasalita ni ate Elli

"Bakit ate? Bakit kami pipirma?" medyo may inis sa boses na sabi ni Yanny

"Its for your own good. Just sign it. Please" sabi ni ate Elli

"Hindi!" singit na sabi ni Lianne

Clash II: Magic of Love or Power of DestinyWhere stories live. Discover now