Chapter 7

4.1K 119 2
                                    

//// Yanny's POV ////


Umuwi sina mommy ng malaman nila ang naging kalagayan ng relasyon namin sa mga boys. Maliban na lang sa mommy nina Mitch at Bree.

"Anak tama ba ang narinig ko? Hindi na tuloy ang kasal nyo ni Bryan?" tanong ng mommy ni Lianne. Tanging hikbi lang ang naisagot ni Lianne.

Niyakap agad ni tita si Lianne "Hush na anak. Wag mong pag-aksayahan ng luha ang mga lalakeng ganyan" sabi ni tita


Si Mitch ay ka-skype ang mommy nya sa kwarto. Hindi kasi makauwi si tita. May bagong branch kasi sa London na ila-lounge ng company nila. Ang mommy ni Bree ay nasa Texas ngayon dahil may sakit ang kapatid ni tita kaya hindi sya nakapunta.

"Sophie, sabihin mo saken. Tuloy pa ba ang kasal ninyo. I mean almost five months na lang at ikakasal na kayo. What happened?" napatingin kami sa mommy ni Sophie. Ito ang kinatatakutan ko. Anong sasabihin namin?

"Wala ng kasal na magaganap. Hindi kami ang nagkulang, sila" napalingon kami kay Mitch. Pababa na si Mitch mula sa kwarto nya. Mukhang desidido na talaga sya.

"Sang-ayon ako" dagdag naman ni Lianne

Tumaas lang ng kamay si Sophie at nag-thumbs up. Si Bree ay hindi nagsasalita. Nakamasid lang sya samen.

"Ikaw Yanny?" tanong ni mommy saken.

Napatungo ako. Hindi naman ako niloko ni Francis. Humingi na din sya ng sorry tungkol dun kay Vianca. Pero kapag nakuha ko ang last sign na hinihintay ko ay hindi ko sya pakakasalan. Kahit masakit kailangan kong gawin. Ayokong mabuhay sa lokohang arrangement.


"Hindi ko pa po alam" mahina kong sagot.

"Patawarin nyo kami mga anak. Kami ang may kasalanan nito. Napaka-childish ng ginawa namin" hinging-paumanhin ng mommy ni Lianne

"Hindi naman namin aakalain na ganito ang magiging resulta ng mga ginawa namin" malungkot na sabi ng mommy ni Sophie

"Well, para makabawi kami sa inyo magbibigay kami ng vacation ticket para sa inyo sa New york. Doon kayo magpalamig. Doon kayo mag-move on" naglabas ng limang ticket si mommy at ibinigay samen.

"Mommy, may OJT pa kami dito. At saka graduating na kami" sabi ko

"Kami na ang bahala hija. Kakausapin namin si Elli. May connection naman sya sa school diba. At sa school nyo din Bree at Sophie kami na ang bahala. Kilala namin ang dean doon" paliwanag ng mommy ni Sophie.

"Tawagan nyo na lang kami kapag pumapayag na kayo. Kahit ano man ang maging desisyon ninyo ay tatanggapin namin" nakangiting sabi ng mommy ni Lianne

"Salamat mommy" nag-group hug kaming lahat.


Ang buong akala namin ay magagalit sila samen. Sa mga nangyare pero mali kami. Maling-mali.


//// Mitch's POV ////


Ilang oras lang ang itinagal nina tita dito. Marami pa daw silang aasikasuhin. Isama pa ang vacation namin sa New york. Haist! Sasama ba ako o hindi?


Napabuntong-hininga na lang ako. Isang linggo na din akong hindi pumapasok sa OJT ko. Mabuti na lang at ipinagpaalam ako ni Jared. Gumawa na lang daw sya ng alibi para maniwala sila sa kanya kaya nakalusot ako.

Clash II: Magic of Love or Power of DestinyWhere stories live. Discover now