Chapter 29 (part 1)

3.6K 111 3
                                    

Sophie's POV



I hate this! Pakiramdam ko ay nakikipagpatintero kami kay tadhana. Dahil sa naging usapan namin kagabi ay nawala sa isip ko ang pagpunta sa Cruzade Hotel. Okay lang din naman dahil hindi naman compulsory ang attendance.



Napabuntong-hininga ako. "Kung tutuusin, mas naging maganda ang takbo ng buhay ko dito sa Mew York. Ang nakakapagtaka lang, parang hinihila kami ng nakaraan" napapailing na lang ako.



Ayan na nga ang sinasabi ko. Pati ang sarili ko ay kinakausap ko na. Baka mamaya, pati ang sewing kit at makina ko ay kausapin ko na sa sobrang pagkalito sa mga bagay-bagay.


Hay naku! Mas mabuti pang mag-net na lang ako. Nakakabawas stress din kahit papaano.



Binuksan ko ang email ko. Eto ang una kong binubuksan kapag gagamitin ko ang laptop ko. I've got five new notifications. Tiningnan ko yun.



Yung tatlo ay galing sa company. Ang mha schedule at events na mangyayare this coming year. At ang dalawa ay galing kay @LoisBrooke_S143. Tiningnan ko yung message nya.



From: @LoisBrooke_S143

Hi there love. I forwarded the Vital Stats of my cousin to your company site.


Napairap ako ng mabasa ko ang isa. Love? Sapakin ko kaya sya para maalala nyang hindi 'Love' ang pangalan ko. Tsk.


From: @LoisBrooke_S143

Sweetheart! Wanna meet me today? I'm free. Just call me and I'll be there :-D



Napataas ang kilay ko. Sweetheart naman ngayon. Mga lalake talaga. Hindi na nagbago. At ano daw? Makikipagkita ako sa kanya? Neknek nya! Magdusa sya.



Sa inis at pagkairita ay pinatay ko na lang ang laptop ko. Nakakawala ng ganang makita ang messages ni Lois. Ka-badtrip!



Nahiga na lang ako sa kama at saktong may biglang nagsalita "Sophie" napatingin ako kay Mitch na kapapasok pa lang sa kwarto ko "May gagawin ka ba ngayon?" naupo na sya sa kama ko



Nag-isip ako. Today is sunday. Wala naman sa tingin ko except sa paggawa ko ng gown para sa 'pakulo' ni Lois. Next sunday pa ang birthday ng celebrant kaya kahit papaano ay may time pa akong gumawa ng designs.



Umiling ako "Wala naman. Bakit?"


Pumalakpak pa si Mitch "Great. Samahan mo naman ako sa mall"


I just rolled my eyes. "Fine. Ano pa bang magagawa ko. Ano bang bibilhin mo dun?"


"Bibili lang ako ng isang casual dress. Gagamitin ko sa tuesday. Tumawag na kasi ang admin saken na on tuesday na daw ang exams ko" nakangiti nyang paliwanag


Napa'oh na lang ako "Is that so? Sige. Magbibihis na muna ako"


"Okay!" nag-salute pa saken si Mitch at tumayo "Magbibihis na din ako. Bye bye!" at lumabas na ng kwarto ko.

------

"Wala ka pa ding napipili?" bugnot na tanong ko kay Mitch



Halos nalibot na namin lahat ng botique dito sa mall pero wala pa ding mapili si Mitch. Kesyo, panget ang kulay o kaya naman ay out of trend na. Hay! Ang babaeng ito talaga.



"Ang gusto ko kasi ay yung simple pero maganda. Yung komportable akong suotin. Hindi yung makati sa katawan"


"Sa dami ng napuntahan natin ay wala ka pa ding napipili!?" hindi makapaniwalang sabi ko


Clash II: Magic of Love or Power of DestinyWhere stories live. Discover now