Chapter 24: YanCis Moment

3.7K 124 9
                                    

Yanny's POV


Nanlumo ako bigla ng malaman ko sa secretary ni Mrs. Furushima na may kailangan akong puntahan na meeting. Ang akala ko pa naman ay makukuha ko ang three day rest ko.



"So, can we count on you?" nabalik ang tingin ko kay Ms. Kurtney



Wala sa sariling tumango na lang ako. I have no choice. Baka masabihan ako na por que kasama sa promotion's list ay lumalaki na ang ulo at hindi na nakikisama.



Ngumiti naman ito ng may kasamang palakpak "Great. I'll give you the details for your meeting." kinuha nya ang isang maliit na piraso ng papel at inilapag sa desk ko


Tiningnan ko yun pero bago ko mabasa ay may sinabi muna sya "Enjoy your meeting. Bye" kinindatan pa nya ako bago umalis



Weird. Why should I enjoy a business meeting? Na naging dahilan para hindi masunod ang three day rest ko matapos kong maipasa ng maaga ang reports ko.



What: Meeting for the upcoming wedding engagement

Where: Timesquare Mercedes Block II Coffee Shop

When: Friday afternoon. Exactly 2pm.



I think I know this place. Hindi na ako mahihirapan na hanapin ang lugar na ito. Hay!

-----

"Ms. Smith?" napatunghay ako ng tawagin ako ni Ms. Kurtney.



Tinatapos ko lang ang paper work ko na kailangan ko pang ipa-fax then pwede na akong umuwi. And it was just thursday. Bukas na pala ang meeting ko.



Umupo sya sa designated seat na nasa unahan ng desk ko. Nakita ko pang huminga ito ng malalim. "Mrs. Furushima wants to have a talk with you"



Napakunot ang noo ko. Kakausapin lang naman pala. Bakit kailangan pa nyang bumuntong-hininga at halos hindu na maipinta ang mukha.



"What's the matter?" tanong ko


Ngumiti sya ng pagak saken "See it for yourself"



Tumango na lang ako at nagpunta sa office ni Mrs. Furushima. Well, to be honest, tatlong beses pa lang talaga ako nakakapasok sa office ni Mrs. Furushima kaya medyo kinakabahan ako. Sana wala akong nagawang mali.



I knocked three times before I went inside. Narinig ko din kasi ang sinabi ni Mrs. Furushima na 'Get inside' na nanggaling sa loob.



"Good day ma'am" magalang kong sabi habang naglalakad palapit sa kanya


Nginitian naman nya ako "Seat down first. I have something to tell you"



Naupo na lang ako as what ma'am wanted. Bigla akong kinabahan. Mukha kasing may kakaiba akong nararamdaman sa mga oras na ito.



"Okay" panimula nito "I called you for only one reason"


Tumango-tango ako "What is it ma'am?"


"I want you to convince someone to be part of our company. To merge with us" paliwanag nito


Napabuntong-hininga ako. Kaya ko ba yun? "And if you did it, I'll promote you as the new Finacial Manager and HR Manager at the same time" dagdag pa nito



Napanganga ako. If I get that position, malaki ang magiging tulong nito sa background information ko. I am working for other company as my working field. Alam din naman yun ni Mrs. Furushima.



Clash II: Magic of Love or Power of DestinyWhere stories live. Discover now