Chapter 3

5.2K 127 7
                                    

Chapter 3 Destiny

Sophie's POV

Ang dami pang nakatenggang project na designs ang kailangan kong gawin. Asar! Ang hirap pala kapag graduating na. Tinatambakan ng sobrang daming gagawin.

Successful ang opening ng shop ni Yanny. Ewan ko nga lang kasi after ng sweet moment nila ni Francis ay biglang back to normal ang fiancee nya. Tahimik as usual.

"Sophie, alis muna ako. Pupuntahan ko muna si Francis" paalam ni Yanny. Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang pagdo-drawing ng design na pwede kong ipasa. Hulaan ko, hindi pa sila bati completely.

Bukas pa ang uwi ni Bree from Hongkong. Successful naman daw kaya masaya kami para sa kanya. Simula ng mag-model sya ay nagkaroon kami ng instant supermodel na hinahangaan ng karamihan.

Ding Dong Ding Dong

Napairap ako. Sino ba yung istorbo na yun? Pwede bukas ka na lang mang-istorbo? Yung wala na akong maraming gagawin. Pwede? -.-

At ang letse! Todo lang sa pagpindot ng doorbell. As if naman na naririnig nya ang sentimyento ko. Aba! Ginanahan lang talaga sa pagpindot. Asar. Kaya kahit ayaw ko syang pagbuksan kung sino man sya ay wala na akong choice. Mukhang walang balak tumigil sa kakapindot.

Huminga muna ako ng malalim bago ko buksan ang gate. Baka kasi makasapak ako ng wala sa oras. Kung kelan naman kasi busy dun manggugulo. Tsk.

"Ano pong kailangan nila ---" natigilan ako. Literally.

"Hello. Ikaw ba si Sophie Grace Forbes?" napataas ang kilay ko. Bakit nya alam ang buong pangalan ko? At sino ba itong lalakeng ito?

Nag-cross arms ako habang nakataas ang kilay. Maldita na kung maldita, bakit ba? Atleast hindi ko sya sinasaktan, physically.

"Ako nga pala si Dontee Lim but you can call me DonDon" inilahad nya ang kamay nya pero hindi ko inabot. Ano sya pinanganak na swerte? Yung fiancee ko nga, pahirapan pa bago mahawakan kamay ko tapos sya ganun-ganun na lang. Neknek nya!

"Anong kailangan mo? Busy ako" mataray kong sabi.

He cleared his throat first "I am a designer also. I can help you"

Lalong napataas ang kilay ko. "So?"

"Ako ang nag-design ng lahat ng naging suot na gown nina Anne Hathaway at Vanessa Hudgens. If you don't recognize. May mga maliit na letter 'D' sa bawat gown na suot nila" napaisip ako bigla. Totoo yung sinasabi nya na may napansin akong letter D sa gown ni Anne Hathaway. Nag-search kasi ako ng mga best gowns at kasama na dun ang suot nilang dalawa.

Pero teka. Naguguluhan ako. Kung designer sya, ibig bang sabihin na "Bakla ka ba?" typical na sa mga guy designers ito.

"Damn sht! Hindi ako bakla. I just love to design and I am NOT GAY!" galit na sabi nya.

"Alright. Alright. Hindi na kailangan sumigaw" napataas ang kamay ko sa ginawa nya.

"So, do you need some help?" sabi nya bigla. Ano nga bang pangalan nya? Don-?

"Salamat sa offer pero kaya kong gumawa ng sarili kong designs. Thanks but no thanks Donkey" hindi naman sa ayaw pero mas maganda kung pinaghirapan ko talaga ang mga designs ko.

"I AM NOT DONKEY! FOR PETE'S SAKE. IT'S DONTEE! DONTEE!" exaggerated nyang sabi. Fine. Dontee. Edi Dontee.

"Sorry naman. Okay fine. Dontee!" sabi ko "So, hindi ko tinanggap ang offer mo kaya pwede ka ng umalis" nakakaistorbo na talaga sya. Bigtime!

Ang akala ko ay aalis na sya pero hindi pala. Lumapit pa sya saken. Nilapit nya ng todo ang mukha nya pero sa may bandang tenga ko. May ibubulong ata.

Clash II: Magic of Love or Power of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon