Chapter 27

3.5K 117 11
                                    

Lianne's POV

Saturday na! Meaning, ubos na ang grocery namin kaya inaya ko silang lahat. Yes, lahat kami ay magkakasama. Good thing, walang appointment o photoshoot si Bree ngayon.


Dalawa ang push carts na kinuha namin. Ang isa ay dala ko habang ang isa naman ay si Bree ang may dala. Hindi din nga namin malaman kung anong klase ng drugs ang nainom ni Sophie dahil simula ng umuwi sya kahapon ay aligaga na sya. Ayaw namang sabihin kung ano.


Isama pa si Yanny na walang ibang ginawa kundi ang ngumuso o kaya ay mangunot ang noo. Problemado sya sa isang bagay na hindi namin mahulaan. Tapos idagdag pa si Mitch dahil hindi din ito magkandaugaga sa pagre-review para sa exam nya. Hanggang banyo ay nagre-recite pa sya. Ganun sya kalala.


"Punta tayo sa may dollar section" aya ni ate Megann matapos ilagay sa cart ang kinuha nyang chips


Tumango na lang kami. Nakasunod lang sila samen kaya walang problema. Pakiramdam ko nga, tatlo lang kaming nasa planet earth. Ako, si ate Megann at si Bree and the rest nasa planeta Kurikurikaboo.


Natigil kami sa paglalakad ng biglang magsalita si Yanny. "Punta lang ako sa CR" sabi nito saka binalingan si Sophie "Samahan mo nga ako"

"Sige. Magre-retouch na din ako" at tumalikod na sila at naglakad na diretso sa cr sa may second floor


Itinuloy na lang namin ang paglalakad. Sa hindi inaasahang pangyayare, nahiwalay ako sa kanila dahil tuloy-tuloy ako sa paglalakad.


"Nasaan na kaya sila?" bulong ko habang tulak-tulak ang push cart


Habang tinutulak ko ang push cart ay palinga-linga ako. Baka makita ko pa sila. Nagpunta na din ang sa dollar section pero wala pa din sila. Halos fifteen minutes na akong naglalakad pero hindi ko pa din sila nakikita. Naiwan ko pa naman sa kotse ang phone ko. Mabuti na lang at nadala ko ang wallet ko.


Liliko na sana ako sa isang pasilyo ng may makabangga ako. "I'm sorry" hinging paumanhin ko at yumuko


Napatunghay ako dahil bigla na lang umiyak ang batang nabangga ko. Hala! Pinagti-tinginan na ako. Teka nga lang! Bakit parang may kamukha ang batang ito.


"Uwaaaaah! Mommy" sigaw at iyak ng bata. Nilapitan ko sya at pinantay ang sarili ko sa kanya.

"Hush. Hush. We'll find your mommy. Don't cry" pag-aalo ko  sa bata habang hinahaplos ko ang buhok nya

Umiling ito habang umiiyak "She'll be mad at me. I hate my uncle" iyak pa din nito


Hinagod ko naman ang likod nito para tumahan. Hay! Ang hirap pa namang patahanin ang bata. Problema ito.


"Hey bigboy" tawag ko sa kanya kaya tumingin sya saken "Do you know your mommy's number?"


Lalo namang napahibi ang bata at umiyak habang umiiling. Napasapo na lang ako sa noo ko. Problema nga talaga.


Tumayo na ako saka ko hinawakan ang kamay nya. Wala na akong magagawa. Kailangan ko syang isama saken. Dadalhin ko na lang sya siguro sa malapit na police station. Ang gwapo pa namang bata. Pero hindi maalis sa isip ko, may kamukha talaga ang batang ito.


Naaalala ko na naman sya. Hay! Pati bata ay nagiging kamukha na nya. Baka naman naka-drugs din ako katulad ni Sophie ng hindi ko nalalaman. Naiiling na lang ako sa mga naiisip ko.

Bryan's POV

Napapakamot na lang ako sa ulo ko. Nasaan na ang batang yun? Saan naman kaya nagsuot yun? Kanina lang ay nasa tabi ko sya tapos biglang nawala. Mapapatay ako ng nanay nya.


Sa halip na si Lianne ang inaatupad ko, ang batang yun ang binabantayan ko. Hindi naman ako maka-hindi kay Wendy. Sya kasi ang tumulong saken at nagbigay ng lead kung nasaan si Lianne. Pinsan ko si Wendy sa father's side. Kailangan ko lang namang bantayan si William ngayong araw lang pero pumalpak pa ako.


"Did you saw a little boy? He's wearing black spiderman shirt?" tanong ko sa isang dumaan na babae


Umiling lang ito bilang sagot at nilagpasan ako. Napapailing na lang ako. Hay! Tatawagan ko na ba si Wendy - nanay nya.

Habang naglalakad ay hawak ko ang phone ko. Paano ko naman hahanapin ang batang yun? Ang laki ng grocery store na ito.

Nang akmang tatawagan ko na si Wendy ay may narinig akong batang umiiyak kaya sinundan ko yun. Hindi naman ako nagkamali dahil si William - ang batang lalake na nawawala, ay nakita ko na. Agad ko itong nilapitan kahit na may kasama pa itong babae na hawak-hawak ang kamay nya.


"William, where the hell did you go?" pagalit kong sabi at umupo para mapantayan ko sya. May pagkatigas kasi ang ulo ng batang ito. Hindi nakikinig kahit kanino.


Lalo naman itong napaiyak sa sinabi ko. Binitawan naman nya ang pagkakahawak sa babae na nakatalikod lang samen at yumakap saken si William. Halata kasing natakot ang bata.


"Hush" pag-aalo ko habang hinihimas ang likod nito  "Don't do it again. Lets go home. You're mom will gonna kill me if she'll found out about this"

Naramdaman ko namang umiling si William habang nakayakap pa din saken. "D-don't tell mom. She'll be mad" iyak nitong sabi

"Fine. Fine. I won't. Just don't do this again. Okay" sabi ko at ihinarap ko sya saken


Namumula na ang mata nya na tumatango. Humihikab na din sya. Napagod siguro kakaiyak. Binuhat ko na lang sya saka ko hinarap ang kasama nyang babae na hanggang ngayon ay nakatalikod pa din samen.


"Ahm, miss, I would like to say thank you for saving William, my ---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil humarap na sya saken at nagulat ako. Si Lianne ito at nagtutubig ang mata nya. "L-lianne? B-bakit ka umiiyak?" lalapitan ko na sana sya kahit na buhat-buhat ko si William pero tinabig nya kamay ko.

"W-wag mo akong hawakan" sabi nya

Sinunod ko sya. Ayaw ko namang magalit sya saken. Pero gusto kong malaman kung bakit parang iiyak na sya. "Lianne, bakit umiiyak ka?" bigla kong tanong

Pinunasan muna nya ang pisnge nya at nagsalita "Wala kang pakealam. By the way, niligtas ko ang bata dahil ayaw kong mapahamak sya. Yun lang" at tinalikuran na nya ako

"Lianne sandali!"

Hinarap nya mukha nya pero nakatalikod pa din sya "Alagaan mo na lang ng mas mabuti ang anak mo. Wag ka ng maging gago. At huwag na huwag mong sasaktan ang a-asawa mo" sabi nito at dali-daling umalis. Naiwan pa nga nito ang push cart nya.


Teka nga? Alagaan? Anak? Asawa? Sino ba ang tinutukoy nya? Si William? Si Wendy? Ang akala ba nya ay kasal na ako ---


Natigilan ako pero sa ilang segundo lang. Napalitan iyon ng ngiti. Ngiting tagumpay. Ibig sabihin ay mahal pa din ako ni Lianne. Bakit naman sya iiyak ng malaman 'kuno' nya na may pamilya na ako. May pag-asa pa ako. And thanks to William, nalaman ko yun. May balak pa naman ako. At dahil doon, itutuloy ko na ito.


Napaisip ako bigla. Tadhana ba ang tawag sa pagtatagpo ng dalawang tao. Kung oo, maniniwala na ako na ang tadhana ay totoo. And for my Lianne, babalikan kita.

One of these days, magiging akin ka ulit. Tandaan mo yan.

*******

Hell week na namin next week. Hindi ko sure kung may update. I'm sorry (-.-)

Clash II: Magic of Love or Power of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon