Chapter 11

3.9K 116 5
                                    

//// Megann's POV ////

Nanlulumo ako! Bakit ayaw nilang malaman? Seryoso ba talaga sila na kakalimutan na nila ng mga boys? Wala naman akong magawa. Hay! Re-respetuhin ko na lang ang desisyon nila.

Nakaupo lang ako sa may terrace habang nakatanaw sa kanila. Nagyaya si Mitch na mag-swimming kaya nasa dagat sila ngayon. Gumawa na lang ako ng dahilan para hindi na nila ako kulitin para sumama.

Kinawayan ko si Mitch na nasa may dagat na. "WAG KANG MASYADONG LUMAYO!" sigaw ko. Alam ko kasing hindi marunong lumangoy si Mitch.

"OKAY!" balik na sigaw nya saken

Nakita ko namang nasa pampang lang sina Bree kaya panatag na ako. Nakakapagtaka lang. Kanina ko pa napapansin. Bakit may mga taong nagmamasid kina Bree?

Napatayo agad ako. Namumukhaan ko sila. Ohmyghod! Sila yung ---

"Ahhh! Tulong. Pinupulikat ako!" napatingin agad ako kay Mitch.

Agad akong tumakbo. Nakita ko naman pinuntahan sya ni Bree pero mas nauna sa kanya si Franco. Teka? Anong ginawa nya dito? Agad naman nyang binuhat si Mitch at dinala sa pampang.

"MITCH!" sigaw ni Yanny na hinihintay na makalapit sina Franco sa pampang

"Aray!" inda ni Mitch ng mabuhat sya ni Franco.

"Mitch" nag-aalalang sabi ni Bree

"Ayan kasi! Ang lakas ng loob mag-aya maligo sa dagat hindi naman marunong lumangoy" sermon ni Lianne habang sinasabayan si Franco na maglakad. Lumusong din kasi sya sa tubig ng biglang sumigaw si Mitch. Wala naman kasing naligo sa kanila maliban na lang kay Mitch.

"Aray ko! Mamaya mo na ako sermonan. Masakit!" napapapikit sa sakit na sabi ni Mitch

"Ibaba mo muna sya Franco" utos ko sa kanya ng makalapit na sila samen ni Yanny

Dahan-dahan syang ibinaba ni Franco. Hay! Mabuti na lang at maagap ang isang ito.

"Aray!" inda ulit nya

"Kailangan ng foot massage para mawala ang sakit" napatingin ako kay Franco sa sinabi nya.

"I am a doctor" sabi nya ng diretso

Pumantay sa pagkakaupo si Franco. Mabuti na lang at nasa timing sya. Minasahe na nya ang paa ni Mitch. At ilang beses ding sinabi ni Mitch ang salitang 'aray!' bago mawala ang sakit.

"Salamat po" nahihiyang sabi ni Mitch kay Franco na umayos na ng upo.

"Po? I will not take that. 24 pa lang ako para i-po mo" natatawang sabi ni Franco

"24 ka pa lang?" singit ni Sophie at tumango lang si Franco.

"Actually guys, si Franco ay na-accelerate kaya bata pa lang ay naging successful doctor na agad sya" napatingin silang lahat saken

"Magkakilala kayo?" takang-tanong ni Mitch

"Oo" natatawa kong sabi

Hindi ko alam pero mukhang nae-excite ako sa magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang . . .

"Okay. Magpapakilala ako. I am Franklin Copper, Franco for short" pakilala nya " Actually, Megann is my ex-fiancee" oh, at talagang sinabi pa nya.

"W-wait! What?" nakangangang sabi nila. I knew it! Haha.

//// Sophie's POV ///

Hindi ako makapaniwala! Ex-fiancee ni ate Meg si Franco na savior ni Mitch. What? Why? When? And how?

"Uy! Tama na yan! Nagmumukha kang tanga" sita saken ni Lianne

"Para tinitingnan lang naman yung bisita eh. Tanga na agad?" sabi ko. Nang maging maayos na ang lagay ng paa ni Mitch ay agad naming inimbitahan si Franco na dito na lang kumain.

Clash II: Magic of Love or Power of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon