Chapter 12

3.8K 120 15
                                    

//// Yanny's POV ////




Last day na ng vacation namin. And last two days na din dito sa pilipinas. Hay! Mamimiss ko ang lugar na ito.




Nakaupo lang ako ngayon sa isang rocking chair sa may terrace ng resthouse. Kadalasan ko na itong ginagawa simula ng mapunta kami dito.






"ATE MEGANN NAMAN!" rinig kong sigaw ni Lianne sa loob. Napapailing na lang ako. Nagkukulitan na naman siguro sila.







Hindi na umuwi si ate Megann. Gusto nya daw kaming makasama. Hindi na namin sya pinigilan kasi matagal-tagal din namin syang hindi makikita.






"Lalim ng iniisip ah" napatingin ako sa likuran ko dahil may biglang nagsalita. Si Sophie lang pala.


"Iniisip ko lang ang magiging buhay natin sa New York" diretsa kong sabi


Lumapit muna sya saken at saka ako tiningnan "Start our new life nga diba. Wait, wag mong sabihin na gusto mong mag-back out"


"Hindi!" sagot ko "Besides, two days na lang naman tayo dito. So, bakit ako magba-back out"


"That's our girl!" tuwang-tuwa na sabi ni Sophie at nakipag-high five saken






Bumalik na lang sa loob si Sophie matapos nyang akong makausap. Minsan talaga inaabot ng saltik ang mga kaibigan ko kaya napapailing na lang ako.




Few minutes later, biglang sumagi sa isip ko ang shop ko. Paano na yun? Teka. Tatawagan ko muna si Shiela. Ang kanang kamay at tagapag-asikaso ko sa shop.




Ilang ring lang naman at sinagot na nya agad ang tawag ko.





"Good morning ma'am" magalang na bati nya saken


(Good morning. Shiela can you do me a favor?)


"Yes ma'am. Ano po ba yun?"


(Can you manage my business?)


"Really???" hindi makapaniwala nyang sabi


(Yes. Of course. Pupunta kami sa New York for couple of months or so. Kaya sayo ko muna ipapa-alaga ang shop ko. If you want)


"That would be a great honor for me Ms. Yanny. Thank you for trusting me. Ipapangako ko po na magiging maayos ang takbo ng negosyo ninyo habang kayo ay nasa malayo" nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman at pumayag sya.


(Thank you Shiela. Your my angel)


"Wala po yun ma'am. The pleasure is mine"


(Salamat ulit. Sorry sa abala. Balik ka na sa ginagawa mo)


"Sige po ma'am. Salamat din po"


(Sige. Byebye!)


"Bye po"




Toot toot toot




Ako na ang nagbaba ng tawag. Nakahinga na talaga ako ng maluwag. Mapagkakatiwalaan ko naman talaga si Shiela kaya sa kanya ko hinabilin ang shop ko.




Tumayo na ako. Makikipagkulitan na din lang muna ako sa kanila. Nakakabored din naman kasi kapag mag-isa lang ako dito sa labas.




Lianne's POV




"Madaya! Pinagkaisahan nyo naman ako" nagmamaktol kong sabi


"Hindi kaya. Hindi ka lang talaga marunong mag-chess" natatawang sabi ni ate Megann




Clash II: Magic of Love or Power of DestinyWhere stories live. Discover now