Chapter 19

3.8K 111 3
                                    

After twelve months, three weeks and five days

Author's POV

(magkaiba ang author's pov sa someone's pov. Okie?)

Hindi magkaintindihan si Yanny sa kanyang ginagawa. Ngayon na nya kasi kailangang ipasa ang report na ibinigay ng boss nya three weeks ago.


"Kainis! Bakit ba kasi na-wrong timing pang nasira ang laptop ko. Hindi ko tuloy natapos ang report ko. Sh!t" kausap ni Yanny sa kanyang sarili


OT na naman sya. Lagi naman. Simula kasi ng matanggap sya sa unang trabaho na pinasukan nya ay agad na syang nagsimula. Nagustuhan ng mga big boss ang kanyang performance kaya napasama sya sa listahan ng mga pwedeng ma-promote sa trabaho. At isa sa magiging malaking tulong sa kanya kung mapapasa at magagawa nya ng maayos ang report nya.


"Ms. Smith overtime again?" hindi makapaniwalang tanong ni Eric, ang isa sa mga katrabaho nya. Kalalabas lang nito sa office nya.


Tiningnan nya naman ito at nginitian "Unfortunately, yes!" natatawa nyang sabi


Nagkibit-balikat lang naman si Eric sa naging sagot nya. "Not yet done with your reports?"


Napailing na lang si Yanny. Nasabi kasi nya minsan kay Eric ang report na pinapagawa sa kanya. "Unfortunately, yes!" ganun pa din naman ang sagot ko


Nakita ni Yanny na papalapit na si Eric sa kanya. Nataranta sya. Hindi naman sya ganun ka-manhid para hindi maramdaman na may pagtingin sa kanya si Eric. Sa tingin pa lang nito sa kanya ay malalaman na agad.


"W-what are doing?" natatarantang sabi ni Yanny ng malapit na sa kanya si Eric


"I know that you know what I really wanted to do with you" nakangisi pang sabi ni Eric.


Kinapa ni Yanny ang nasa ilalim ng desk nya. May itinago kasi syang vinegar spray. Sa katunayan ay si Mitch talaga ang ang nagbigay sa kanya niyon. Kung sakali man daw na may mang-harass sa kanya ay may panlaban sya. At laking pasalamat nya dahil kahit papaano ay makakatulong ang kalokohan ni Mitch sa kanya.


"Don't you dare!" napatayo na si Yanny pero nakalagay ang kamay nya sa likod habang hawak ang spray.


"What honey? Hmm. I know you're single. And I know you like me also. Then, lets have fun. You and me at my place. What do you think?" hinimas-himas pa ni Eric ang braso ni Yanny at yun ang naging go signal para kay Yanny na dapat na nyang i-counter attack si Eric.


"Ahhhhhhhh!" histerical na sigaw ni Eric matapos i-spray ni Yanny ang halos kalahati ng vinegar spray nya sa mukha nito.


"Next time, know who the person you will mess with. Jerk!" inis na sabi ni Yanny


Hinablot nya ang kanyang bag pati na din ang laptop na gamit nya kanina bago pa man dumating si Eric. Mukhang sa bahay na nila nya tatapusin ang report nya. Nagkaroon kasi ng asungot bigla.

Hindi pa din tumitigil sa pag-inda ng sakit si Eric. Napaupo na nga ito sa sahig dahil sa ginawa ni Yanny sa kanya.


Clash II: Magic of Love or Power of DestinyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant