Chapter 36

3.5K 116 5
                                    

Sophie's POV



I frowned! Ano bang klase ng pagkain ang kinakain ang lalakeng ito para maging hyper sya masyado.



"Sophie. Sophie." I rolled my eyes. Para syang tanga habang nagpapa-cute sa harapan ko.



Litsi! Hindi naman sya nakakatulong eh. Perwisyo pa nga sya. Grr. Dapat hindi na kasi ako pumayag na sumama sya dito. Haist.




Flashback


Four days before my project with Lois is over. Konting embellishments na pang sa design ay sisimulan ko na ang pagtahi ng gown.



"Sophie?" Tumingin ako sa likod ko para makita ang tumawag saken. It was ate Megann. Nasa may terrace kasi ako.


Ngumiti ako saka sya inaya na maupo sa tabi ko. "Anong balita?" I joked. Mukha kasi syang problemado.



Hindi naman sya nagsasalita. Patuloy lang si ate Megann sa pagbuntong-hininga. At na we-weirduhan na ako sa kanya.




Itinigil ko ang ginagawa kong final touches para sa gown bago ko sya harapin. "May problema ka ba ate Megann?"


Hindi nya ako pinansin. Nakatulala lang sya. She's getting weirder. "Ate Megann. Oy!" I even snap my fingers infront of her pero waepek pa din.



Pinagmasdan ko sya. Hindi ko lang talaga maintindihan. In the past few days okay pa naman sya tapos bigla-bigla na lang syang nagkaganito in just a blink of an eye. It's really something.



"Sophie"


Napatunghay ako ng bigla nya akong tawagin.  "Yes?"


Hinawakan nya bigla ang kamay ko "Can you keep a secret?"


Kahit hindi ko ma-gets ang sinasabi nya ay tumango pa din ako. There's no harm in trying, right? "Of course. Spill it"


She gave out a deep sigh "I've talked to ---" naputol ang sinasabi nya ng biglang sumigaw sa labas si Lianne


"SOPHIE! MAY NATANGGAP AKONG EMAIL. YOU HAVE TO SEE THIS. FASTER!" nataranta ako sa pagsigaw ni Lianne kaya agad akong napatakbo pababa at naiwan ko si ate Megann na mag-isa. Mamaya ko na lang sya tatanungin kung ano yung dapat nyang sabihin saken.



It was an email from an unknown sender. Ang sabi ay kung pwede kaming makipagkita sa kanya. It was strange. Lahat ng pangalan namin ay nabanggit nya kaya sigurado kaming hindi iyon wrong send.



From: @Unknown
Please spare a day with me. I would willingly explain everything. Bree, Yanny, Sophie, Lianne, Mitch.



Okay! I just don't get it. I mean, we can't get the point. Pinakita namin sa kanila ang email. Bree just shrugged her shoulders. Sina Mitch at Yanny ay wala ding ideya. Habang si ate Megann ay tahimik lang na nakatingin samen. Tinawagan din namin si Jarred, Franco, Victor, Dontee, Gian at Brandon dahil nagbabakasakali kaming may alam sila pero wala. Nahuhuli ko silang nagtitinginan na para bang may sinasabi na hindi na min alam.



I decided to stay all night para matapos na din ang design ko. Ayoko ng ma-attache kay Lois. It's like I'm putting myself in a danger.



Mabilis ko namang natapos ang design at embellishments ng gown. It was past ten in the evening. Not bad dahil ang akala ko ay aabutin pa ako ng eleven ng gabi bago ko matapos ang ginagawa ko.



Clash II: Magic of Love or Power of DestinyWhere stories live. Discover now