Chapter 16

3.6K 106 4
                                    

Lianne's POV


Argh! Nasaan na ba yung driver na sinabi nina mommy na susundo samen? Halos isang oras na ang nakakalipas ng makarating kami dito sa New York pero hanggang ngayon ay wala pa din ni anino ng driver na susundo samen.


"Naku! Nasaan na ba yun?" naiinis na sabi ni Sophie


"Gutom na ako. Ang tagal naman" dugtong ni Mitch


"I'll try to call mom" sabi naman ni Bree


Mabuti pa nga. Sana naman ay may sumundo na samen. Hindi yung kanina pa kami dito sa airport na walang sumusundo. Tsk.


"Lianne?" teka? Ako ba yung tinatawag? Nagpalinga-linga ako.


"Lianne?" ako nga ata? Kanino kaya boses yun.


"Lianne?" nasaan na yun? Kanino yun?


"Lianne may tumatawag ata sa iyo?" sabi saken ni Yanny


"Rinig ko nga. Hinahanap ko nga kung kanino galing yung boses" nagpalinga-linga pa ako


"Lianne!" napatingin ako sa may kaliwa namin at dun ko nakita ang isang ngiting-ngiti na lalake. Parang nakita ko na sya. Saan nga ba yun?


Nakita kong papalapit na sya este may mga kasama pala sya. "Hi Lianne" nakangiti nyang sabi "Ako yung tindero ng milk tea. Remember?"


Inisip ko ng mabuti. Oo nga! Sya yun. Si Mr. Milk tea na weird "Brandon?"


"Tama" sabi nya "So, sino ang hinihintay nyo?" tanong nya


"Hanggang dito ba naman Dontee. Pwede bang wag kang magpakita saken?" rinig kong singhal ni Sophie


"Franco? Jared? Magkakilala kayo?" sabi naman ni Mitch


"Pshh. Lumayo ka nga saken Victor! Naaalibadbaran ako sayo!" rinding-rinding sabi ni Yanny


"Wala pa yung driver nyo?" tanong naman nung isa kay Bree at tumango lang si Bree bilang sagot. Hindi ma-contact ni Bree ang mommy nya


Teka nga? Nakakapagtaka. Si Bree may kakilalang Gian. Tapos si Mitch ay sina Jared at Franco. Habang si Yanny ay kay Victor. Then si Sophie ay kay Dontee. Parang ang weird. At saka magkakaibigan pa sila. Hay! O ako lang talaga ang napa-paranoid dito.


"Sabay na lang kaya kayo samen? Ano bang address ninyo?" tanong nung nagligtas kay Mitch nung nasa resort pa kami - si Franco


"Yun nga ang problema. Hindi namin alam yung address. Hindi kasi sinabi samen kung saan. Yung driver lang ang may alam" paliwanag ni Mitch


"Eh kung tumuloy muna kayo samen. Tutal magkaibigan at magkakilala na tayong lahat" nakangiting sabi ni Dontee - yung kaaway ni Sophie

Clash II: Magic of Love or Power of DestinyWhere stories live. Discover now