Chapter 20

3.8K 116 5
                                    

Lianne's POV

Sa kwarto ko natulog si ate Megann. Busy kasi silang lahat at hindi pwedeng maistorbo. Si Sophie at Yanny ay nagpuyat dahil sa designs at report nila. Habang si Mitch ay kailangang pag-aralan ang ilang terms sa psychology kasi kukuha sya ng exam. Si Bree naman ay kailangang maaga matulog at bawal maistorbo dahil maaga ang photoshoot nila bukas.

"Good morning!" kinukusot-kusot pa ni ate Megann ang mata nya habang sinasabi yun.

Kagabi ay sobrang dami ng naikwento ni ate Megann samen. Ang tungkol sa bar nya na ngayon ay sobrang in demand na at madaming pumupunta. May plano nga syang mag-expand ng branches sa ibang lugar. Good for her. At syempre, mawawala ba sa kwento ang mga boys. Madami daw pagbabago ang nangyare. Ang sabi nga ni ate Megann 'See it for yourself'. Hay!

Kumusta na kaya ang ugok na yun?

Anyway, mas maaga akong nagising kesa sa kanilang lahat. Actually, nagluto na din ako. Fried rice, ham at hotdog. "Good morning din ate. Maglinis ka na. Kakain na tayo" sabi ko

Tumango naman si ate Megann. Lumabas na din ako ng kwarto.

Bumalik lang naman ako sa kwarto kasi gusto kong kunin ang latest magazine ng company namin at si Bree ang front cover model.

Nakahanda na sa lamesa ang pagkain. Mga kakain na lang ang kulang. Hindi ko na sila ginising pa. Alam ko namang sobra silang puyat. Maliban na lang kay Bree na maagang umalis kaya sya ang unang nakakain.

Naupo na ako sa mini stool sa kusina. Gumawa din kasi ako ng fresh fruit juice. Mas maganda kasi ito sa katawan.

"Nasaan sila? Naka-alis na ba sila?" pababa pa lang si ate Megann. Nagpalit pa sya ng isang highwaisted shorts kasi kanina ay naka-pajama lang sya.

"Tulog pa sila. Maya-maya bababa din yun" sabi ko at ibinalik na lang sa pagtingin ng magazine ang atensyon ko

Lumapit saken si ate Megann at sinuri ang iniinom kong fruit juice. "Meron pa ba nito?" tanong nya

Tumayo na muna ako "Gagawan na lang kita. Sandali lang" nagprisinta na akong gumawa. Alam ko din naman pagod pa din sya at may konting jetlag.

Matapos kong magawa ang fruit juice nya ay bumalik na ako sa pwesto ko kanina. Well, hindi ko pa kasi tapos tingnan ang magazine and at the same time hindi pa ubos ang fruit juice ko.

"By the way" tumigil sa pagsimsim ng juice nya si ate Megann at hinarap ako "Anong oras ba ang gising nila. May sasabihin kasi ako sa inyo"

Napatingin agad ako sa kanya "Ano yun ate?"

"Mamaya na" nakangiti nyang sabi "Kapag present na ang lahat" at kinindatan pa nya ako

Okay. Sabi nya eh. Sya ang bahala. May pa-suspense pa kasing nalalaman si ate Megann. Haist!

---

"May sasabihin daw si ate Megann" ako na ang nagsabi sa kanila.

Nasa sala na kami ngayon. Mamaya pa kasing hapon sila papasok. Masyado na silang late para pumasok pa kanina kaya sa hapon na lang sila papasok.

"Ano yun?" tanong ni Mitch at kinuha ang remote control sa gilid ng sofa

"Nasaan si Bree?" takang-tanong naman ni ate Megann

"May photoshoot sya ngayon. Maaga syang umalis. Ako na lang ang magsasabi sa kanya mamaya. Magkikita pa naman kami sa kompanya" sabi ko

Tumango naman si ate Megann sa sinabi ko. Nakaupo sa may sahig si Mitch at Sophie na naka-cross legs habang ako at si Yanny ay nakaupo sa may couch. Nakatayo naman sa harapan namin si ate Megann.

Clash II: Magic of Love or Power of DestinyWhere stories live. Discover now