Chapter 32

3.8K 115 9
                                    

Lianne's POV


Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala. Si Bryan may pamilya na. Putspa! Ganun-ganun na lang ba yun?


Hindi ako makapagtrabaho ng maayos matapos kong malaman yun. Madalas na din akong nasisita ng mga kasamahan ko. Distracted ako masyado. At dahil yun sa lecheng katotohanan na may PAMILYA na si Bryan. Leche talaga!


Am I too late? Pwede ko naman syang patawarin. Kaya ko syang patawarin. Kakayanin ko pero ang malaman na may asawa at pamilya nya sya ay ibang usapan na. Para akong pinagpira-piraso ng ilang beses.


Nagfile na ako sa kompanya ng termination ko. Hindi na din naman ako effective na employee. At mabuti na rin lang dahil tapos na ang term ng kontrata ko. Magkasabay lang naman kami halos ni Bree.


I had sleepless nights. Kadalasang nakatambay ako dito sa may veranda. Trying to unwind. Hindi ko kasi matanggap. Mas masakit na malamang nag-asawa na sya kesa doon sa ginawa nila noon samen. Triple ang sakit.

Napabuntong-hininga ako "Mahirap ba akong mahalin?" tanong ko sa sarili ko. Heto ulit ako. Nasa may veranda.

Napasandal na lang ako sa may upuan. Paano na kaya ako? My life was already planned and Bryan is part of it. He has the big part.

"Yan din nga ang tanong ko sa sarili ko" napalingon agad ako sa likuran ng may marinig akong nagsalita. It was Mitch


Napakunot ang noo ko "May exam ka bukas, hindi ba? Wag ka ng magpuyat. Baka makatulog ka sa exam mo" alam ko kasing matagal din nyang hinintay ang pagkakataong ito. I know her.


Umiling ito saka lumapit sa katabing upuan ko "Hindi kasi ako makatulog. Ilang araw na din ito" pag-amin nito. Napansin ko ding medyo mapula ang mata nya


"Pareho lang pala tayo" pag-amin ko din. Ano pang use kung magsisinungaling ako sa kanya? Wala naman diba?

Tahimik lang kaming nakatingin sa langit. Hay! If only stars can speak. If only stars can show me the right way to go. Hay! Nakakabuang talaga kapag nagmamahal.


Nanatili lang kaming ganun ng ilang minuto bago may panibagong dumating. Ngayon naman ay si Bree na halatang masaya. Teka nga? Bakit hindi namin namalayan na naiparada na nya ang kotse sa garahe. Weird. Napailing na lang ako.

"What are you two doing up here? Late na" sabi nito saka umupo sa upuan sa may kaliwa ko


Napabuntong-hininga ako. Hindi naman siguro masama na sabihin ko sa kanila ang problema ko. "Bryan/Lance" magkasabay naming sabi ni Mitch


Nagkatinginan kami. Nagkita na sila? Ano kayang nangyare? "What happened?" aligaga na tanong ni Bree


"I said I hate him" nakatungong sabi nya


I frowned "Totoo naman ba?" tanong ko


Tumingin sya saken na may pag-aalinlangan "H-hindi ko alam" naiiling nyang sabi


"Mitch don't pressure yourself. Huwag mo na munang problemahin yan. Your psychology test is tomorrow, right? I think you need to sleep" napatingin naman si Mitch kay Bree sa sinabi nito

Clash II: Magic of Love or Power of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon