Kabanata 55

25.5K 560 217
                                    

Angel's note: Surprise! This update is in celebration of GMM's 2M reads here on Wattpad! Thank you so much for reading and supporting Portia and Atty. Smith!

Ps. Mananatili pa rin po itong paid sa Patreon. Thank you! Happy reading!

***
[Portia]

Pansamantalang kalmado na sana ako sa hindi pagsipot ng host, pero dahil sa lalaking kaharap ko ngayon, hindi ko mapigilang murahin muli ang babaeng 'yon nang paulit-ulit sa utak ko.

Not that I'm still affected by his presence. Hindi ko lang in-expect. 'Yun lang 'yon.

"Ms. Deanna?" Tila nabalik ako sa sarili nang tawagin ako ni Belle. "Pasok na po tayo."

Pinilit kong hindi ipakita ang gulat sa mukha ko which I think nagawa ko naman. Pero sadyang mas propesyonal siya sa larangang 'to kaysa sa 'kin dahil mas lalo akong walang nakitang kahit anong emosyon sa kanyang mukha.

I maintained my face straight and my posture good as I gracefully turned my back at him. Like he was nothing but just a mere guest for today.

Taas noo akong nagmartsa papasok sa studio. At dahil halos mga lalaki ang nasa loob, nakita ko kung papaano bahagyang umawang ang mga bibig nila sa pagpasok ko.

Hindi naman sexy ang damit na suot ko and it doesn't even show much of my skin para matulala sila ng ganito. Pero siguro, sadyang 'di lang sila sanay na makita akong seryoso at nakaayos. Lalo pa't nirequest ko sa makeup artist na pagmukhain akong medyo matapang. And I think, 'yon ang pinaka-best decision ko sa umagang ito.

At least ay nakita niya na hindi na ako katulad noong huli kaming nagkita. Iyong masyado akong mukhang kaawa-awa. Because I'm no longer that weak stupid woman he used to know anymore.

A staff assisted him to occupy the seat across me. He's wearing a charcoal gray tailored suit that made him look more stunning. His hair was perfectly styled that complimented his lawyer-look. Wala namang masyadong nagbago sa itsura niya. Ang kaiba lang ay nag-mature siya ng kaunti. Mas tumapang ang kanyang aura.

Binasa ko saglit ang hawak kong profile niya. Baka kasi may mga bagay na hindi ko pa pala alam tungkol sa kanya, which I doubt, dahil halos ipagduldulan sa 'kin ng mga pinsan ko ang bawat kabanata ng buhay niya kabilang pati ang mga babaeng nali-link sa kanya—na wala naman akong pake.

"Good morning po, Attorney," malanding sambit ng isa pa naming makeup artist na si Dyosabel.

Bigla na lang itong sumulpot dito sa studio kahit 'di naman siya ang naka-assign dito.

"Pa-powderan sana kita kaso biglang nahiya 'yung powder ko sa inyo." Malagkit nitong tinignan si Sam kagaya sa tuwing may guests kaming gwapo na natitipuhan nito.

Hindi naman siya mukhang nairita dahil nakuha pa niyang ngitian si Dyosabel.

"It's okay. I also don't want anyone touching my face," seryoso niyang sinabi. Hindi ko alam kung anong nakakatawa pero parang gusto kong humalakhak.

Tumingin ako sa itaas at mahigpit kong hinawakan ang dress ko. Pinigilan ko ang sariling tumawa. Subalit ang mga kasama ko, walang pakundangan na naghalakhakan sa bigong itsura ni Dyosabel. Para kasi itong nabasted at nakalabing tumungo na lamang sa tabi.

Ayan, landi pa more.

"Five minutes before airing! Standby!" sigaw ng direktor na nagpatigil sa kanila sa pagtatawanan.

Nilapitan ako ng makeup artist ko at inayos ang bahagyang nagulo kong buhok. Nagpanggap pa 'kong nagbabasa ng script para lang hindi magtama ang tingin naming dalawa. Baka kasi isipin niyang nabaliw na 'ko at tumatawa na mag-isa.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now