Kabanata 50

20.3K 580 239
                                    

Kabanata 50

Marahan kong pinahid iyong takas ng luha sa pisngi niya. Kahit pala masaktan ako ng sobra nang dahil sa lalaking 'to, hindi ko pa rin gugustuhing makita siyang ganito—na lumuluha nang dahil sa 'kin.

Isang malalim na buntong hininga na naman ang pinakawalan ko pagkatayo.

"Sobrang nakakapagod ang araw na 'to. Matulog na muna tayo," sabi ko at saka siya tinalikuran. Ngunit naramdaman ko agad ang pagsunod niya sa likuran ko.

"C-can I sleep with you?"

"No." Binilisan ko ang lakad at agad na sinarado ang pinto ng kwarto ko. Ni-lock ko ito bago pa siya makapasok ng tuluyan.

I took a quick shower before completely going to bed, pero tila walang balak ang utak ko na patulugin ako. Paulit-ulit na nag-fa-flash pa rin sa isipan ko iyong imahe nilang dalawa na magkahalikan. Naiiyak ako sa sobrang inis! Isinubsob ko na lang tuloy ang mukha ko sa unan dahil 'di ko mapigilan ang pag-iyak.

"Hayop na haliparot 'yun!" gigil at humihikbing singhal ko.

Tangina. Kinamumuhian ko talaga ang mga babaeng katulad niya! Mga katulad nila ni Allyson! Mga babaeng walang pakialam kung makakasakit sila ng ibang tao!

Nag-diretso ako ng higa nang hindi na 'ko makahinga sa kakaiyak. Hinayaan ko na lang ang mga luha ko sa pagtulo habang nakatitig sa kisame.

"Pucha ang panget naman ng role ko sa chapter na 'to, Lord. Masyadong mahina. Alam mo namang ayoko ng ganitong role 'di ba?" para akong tanga na nagsasalita mag-isa. Pero mabuti na 'to kaysa mabaliw ako sa pananahimik.

Lalo akong napaiyak nang maisip ang kaparehong sakit na naramdaman ng mommy ko noon. Pero sigurado akong mas gago ang Daddy ko kaysa kay Fyuch kaya sure akong walang wala itong sakit na nararamdaman ko sa sakit na pinagdaan ni mommy. Ang pinagkapareho lang ay mga babaeng malalandi ang dahilan nito.

Makulam na sana lahat ng mang-aagaw!

Tumayo ako at nakasimangot na nagbukas na lang laptop. Hindi kasi talaga ako makatulog. I unconsiously checked my email at nakita ko agad ang email na kakasend pa lang sa 'kin ngayon—as in ngayong oras na 'to mismo pa lang.

Kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan si boss Amara.

"What's with the email?"

[Wow you're still awake? I thought bukas mo pa mababasa.] Tumawa ito na para bang normal na oras pa itong pag-uusap namin. [Since you saw it already, can you report back to the office at 9?]

Napatulala ako ng ilang segundo at mabilis na pinunasan ang mga luha ko sa mukha.

"Talaga?? Pinababalik na ba 'ko ng mga boss?"

[Yeah. Actually I just received the memo at hindi na rin ako makapaghintay kaya sinend ko agad sa 'yo.]

"Okay I'll be there at 9," kumpirma ko.

[Are you sure? Mukhang wala ka pang tulog.] Napatingin ako sa digital clock sa ibabaw ng lamesa ko. Alas-kwatro ng madaling araw. [We can move it—]

"Ayos lang, boss. Kaya ko."

['Yan ang gusto ko sa 'yo.] I could see her grinning over the phone. Nagpaalam na rin ito agad para makatulog pa raw ako kahit sandali.

Halos hindi rin naman ako nakatulog after ng pag-uusap namin ni boss. Nagmadali akong lumabas ng kwarto pagkatapos kong mag-ayos. Tinawagan ko na rin pala si Dad na hindi na 'ko makakapasok ng regular sa MGC, but I assured him na hindi ko pababayaan ang mga projects na hawak ko ro'n. Wala naman siyang magagawa dahil nasa usapan namin itong posibilidad na bumalik ako sa PBN News. He just gave me few reminders tho not to ruin the reputation I have built.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now