Kabanata 30

24.3K 699 92
                                    

Kabanata 30

Kung siguro'y sa ibang pagkakataon niya sinabi 'to ay baka nagpa-misa pa 'ko sa tuwa. Kaso ngayon medyo kumplikado ang sitwasyon. Parang wrong move na ipakilala ko siya kay Daddy lalo't G na G itong ipakasal ako kay Easton.

"Thank you sa paghatid, Fyuch. And thank you for being an understanding bb too." I gave him my cutest smile to compensate him from refusing his suggestion of meeting my father. "Pero sure kang kaya mong mag-drive? Hatid na muna kaya kita sa condo?"

"I just need an arm to drive. But my mind still hasn't changed in case you'd invite me inside," aniya na seryosong nakatitig lang sa harapan.

"Fyuch naman ihh."

Pinakiusapan ko kasi talaga siya na ako muna ang kakausap kay Dad dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag biglaan kong sinabi na may boyfriend ako.

Natatakot akong baka makaapekto ito sa health ni Daddy o kaya naman ay baka lalo akong paghigpitan nito. Worst is, tuluyan na 'ko nitong paalisin sa trabaho ko.

"Alright, I won't argue with you." Napabuntong hininga si Fyuch bago seryosong bumaling ng tingin sa 'kin. "But remember this, baby; I can fight for you in any way—be it legal or not. It's gonna take a lot to drag me away from you."

"I'll keep that in mind."

Hinalikan niya 'ko sa noo bago hinayaang lumabas ng sasakyan. Agad na pumasok ako sa loob ng bahay dahil alam kong hindi siya aalis hangga't hindi niya 'ko nakikitang nakakapasok.

Pagdating ko ay napataas agad ako ng kilay dahil sa mga kasambahay naming abala sa paglilinis. Anong meron? Lagi namang malinis ang bahay at never na nagkandarapa ang mga 'to nang dahil lang sa paglilinis. Ang OA yata nila ngayon.

"Manang Fe, anong meron?"

"Naku nandito ka pala, Portia! Nagpa-disnifect kasi ng buong mansyon ang Daddy mo at sinabihan kaming lahat na 'wag magtitira ng kahit anong alikabok," anito habang abala sa pagmamando sa mga kasama.

"Wow biglaan yata. May importante ba siyang bisita?"

Umiling si Manang Fe pero malapad ang ngiti nito. "Tanungin mo na lang ang Daddy mo. Naroon sila sa lanai ni Ma'am Allyson."

Nakasimangot akong umakyat sa 2nd floor para puntahan sila. Grabe hindi ko pa man nakikita ang mukha ni Allyson pero nararamdaman ko na ang pag-akyat ng dugo ko sa ulo. Ibang klase talaga epekto sa 'kin ng babaeng 'yon. Ang unhealthy lang.

Tumaas agad ang kilay ko pagdating ko sa lanai. Mas madaming kasambahay. Nakaayos din ito na para bang may celebration na magaganap.

Okay? May nakalimutan ba 'kong okasyon?

Nakita ko si Dad na abala rin sa pagtulong sa pag-aayos. Wow. Lalo akong na-curious sa kung anong himala ang nangyayari ngayon sa bahay na ito. Never ko pang nakitang tumulong si Daddy sa kahit anong gawain dito sa bahay. Dahil kung wala siya sa opisina, malamang nasa study room niya ito at nagtatrabaho.

"Deanna, anak!" Maliwanag ang mukha nitong lumapit sa 'kin.

Sinalubong ko ito at bumeso. "Hi, Dad."

"Perfect timing ang pagdating mo, anak. I was about to call you pero mabuti na lang at naisipan mong umuwi."

"Bakit? Anong meron at para kayong magpa-party?" Nilibot ko ng tingin ang paligid at hindi ko naman masabing formal party ito dahil parang pambata e.

"Allyson is pregnant! You're gonna have a sibling!"

Wow, a sibling—a sibling from the woman I hate the most.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt