Kabanata 11

31.1K 882 248
                                    

Kabanata 11

"Ayy bakit may action scene?!" eksaheradang sigaw ni Dior pagka-chika ng chismosang si Lyra sa nangyari kagabi. Isa isa na naman silang nagsidatingan dito sa condo ni Kairo nang walang pasabi!

"Malandi ka! Ang harot harot mo!" pinagkukurot ako ng maliliit ni Mona kaya nagrereklamo akong gumulong sa kabilang side. Nakahilata kasi kaming dalawa sa carpeted floor sa sala.

"Kasalanan ko bang maganda ako?!" nanlalaking mata na singhal ko.

"Kaya pala pinagpalit mo si Easton sa lawyer na 'yon, huh? Magaling sa action scene!" asar ulit niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Excuse me, that fucking cheater has nothing to do with my Fyuch, okay? Wag niyo silang ipagkumpara dahil sobrang layo!"

Well, pareho silang matangkad pero wala pa rin sa kalingkingan ni Attorney si Easton dahil una sa lahat, Fyuch is not a cheater. Hindi pa lang talaga niya 'ko masyadong gusto sa ngayon, pero bukas malay niyo magkaro'n ng himala.

"Ano bang meron d'yan sa jowa-jowaan mong 'yan at mukhang patay na patay ka? Malaki ba?" Napatingin ako kay Lyra na mukhang sobrang seryoso sa tanong niya.

"Alin? Ang sahod? Di ko pa natatanong e. Required ba 'yon?"

"Boba ka yung etits niya tinutukoy ko!" barumbadong sagot niya.

Nanlaki ang mata ko sa kabastusan niya habang siya naman ay hagalpak sa pagtawa.

"Pakyu ka, Lyra Juliette!"

"Hina mo naman siz!" naiiling na singhal niya. "Pero siguro naman 'yung kay Easton-"

Tumayo na ako para takpan ang bastos na bibig niya.

"Pucha siz past is past! Walang ungkatan ng nakaraan!" defensive agad ako. 

"Hahahahaha! Okay okay fine." Itinaas niya ang dalawang kamay na animo'y sumusuko na sa laban. "Kinonfirm ko lang naman kung kailangan na ba talaga kitang itakwil sa pamilyang 'to. Dahil hindi ko mapapayagan kung sakaling never kayong nag-sex ni Easton sa tagal ng landian ninyong dalawa."

We were young, wild, and free back then. Pero kung pwede ko lang din bawiin lahat ng nangyaring iyon ay baka ginawa ko na sa sobrang galit ko sa gagong 'yon. Bakit ko ba kasi binigay lahat? Kase mahal ko ang gago.

Gumapang ako paakyat sa sofa at ipinatong ko ang ulo ko sa kandungan ni Dior.

"Haay. Ikaw talaga ang pinakamarupok sa ating apat kaya ka nasaktan ng Easton na 'yon." aniya habang sinusuklay suklay ang buhok ko. "Sana natuto ka na ha? Wag masyadong marupok."

"Kapag kasi usapang lalake, 'wag paiiralin ang puso. Men were just made to fuck in bed-not to fuck our lives." panenermon ni Lyra.

"May utak din pala 'yang kiki mo minsan, ano?" singit ni Mona.

"Namern!" Proud na proud si gaga kaya puro tawanan na naman kaming apat!

May point din naman siya. Pero kasi kahit nasaktan ako, hindi ko naman nilalahat ng lalake gago. Si Easton lang talaga. Yung akala mo siya na dahil sobrang perfect na e. Kilala niyo na ang isa't isa at kung minsan nga mas kilala ka pa niya kaysa sa sarili mo. Sobrang saya ninyo kapag magkasama tapos sa bandang huli gagaguhin ka lang ng walanghiya.

For the first time in forever ay nagpalipas lang ng oras ang mga pinsan ko rito. Walang halong inom dahil may mga sched pa sila in an hour. Ako naman ay chill na lang dahil nakapagpasa na 'ko ng script ko kay mini boss. Marami akong time para landiin si Fyuch kaya chineck ko kung online siya kaso hindi. Baka nasa work. Pero chinat ko pa rin siya.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now