Kabanata 12

29.8K 868 203
                                    

Kabanata 12

Napadighay ako ng malakas pagkatapos naming kumain.

"Excuse me po!" napahawak ako sa tiyan ko. Pinagtulungan kasi naming ubusin iyong pinadeliver niyang dinner. Pakiramdam ko tuloy ay pasan ko ang daigdig sa loob ng tiyan ko sa sobrang bigat nito. Balak yata akong patabain nitong si Fyuch hindi pa man kami! Ayaw ba niyang may ibang lalaki ang tumingin sa 'kin kaya gusto na niya 'kong tumaba?

Aba segurista ang bb ko!

"Drink this," utos niya at nilapag ang isang tasa sa harapan ko.

Napangiwi ako nang maamoy ko iyon.

"Eww. Ayoko niyang tsaa." Nilayo ko iyong tasa sabay takip ko sa ilong ko.

"Inumin mo 'yan para gumaan ang pakiramdam mo." Tinulak niya ulit iyon pabalik sa 'kin.

"Lasang kahoy 'yan ayoko." Nag-iwas ako ng tingin dahil kahit crush ko siya ay hindi ko mapagbibigyan ang gusto niyang uminom ako ng tsaa. Ni hindi ko nga matagalan ang amoy nito, iinumin ko pa? Like eeeww!! Kadiri!

Sinulyapan ko siya at nakatitig lang siya sa 'kin. Hindi man lang siya nag-iwas ng tingin kahit na nahuli ko na siyang nakatitig sa 'kin.

"Nasasarapan ka d'yan?" nandidiring tanong ko nang inumin niya iyong kanya.

"Nope."

"Eh bakit mo iniinom kung hindi masarap?"

"Because it's healthy. And I love people who are health conscious."

Asdfghjkl! Napatitig ako sa kanya bago doon sa tasa ng tsaa. Napalunok ako at parang gusto ng bumaligtad ng sikmura ko ini-imagine ko pa lang sa lasa nito.

Hindi na nga niya 'ko gusto tapos hindi pa 'ko health conscious. What the fuck? Pinasusuko na ba 'ko ng mundo nang dahil lang sa tsaa na ito?

"H-Hindi pa naman siguro huli ang lahat para maging health conscious sa edad na 25, e 'no?" binasa ko ang labi ko habang dahan dahang inilapit ang kamay ko sa hawakan ng tasa. Hindi ko inakalang ganito kahirap magka-crush!

Bahagyang idinampi ko ang isang daliri ko sa tsaa upang i-check kung mainit pa ba ito. Nang maramdaman kong maligamgam na, mabilis kong ini-straight ang buong laman nito nang nakatakip ang ilong ko upang hindi ko ito malasahan.

Paglapag ko ng tasa sa lamesa, pinigilan ko ang sarili ko na isuka ito. Sinalinan ako ni Fyuch ng tubig sa baso at sinubuan pa niya 'ko ng kendi pagkatapos. Naririnig ko siyang tumatawa ng mahina habang nakapikit ako at hinihintay na mawala ang naiwang lasa ng tsaa sa bibig ko.

"Love mo na 'ko?" tanong ko agad ng maka-recover na 'ko.

"No."

"Scammer! Sabi mo you love health conscious people?!" nakita ko ang pagpigil niyang mangiti. Natatawa ko tuloy siyang inirapan bago ako tumayo para ligpitin iyong pinagkainan namin. Wala namang hugasin dahil may kasamang paper plates iyong food namin. Kumuha si Fyuch ng trash bag at doon niya inilagay lahat ng aming kalat.

"Magtatapon ako ng basura," aniya at naglakad na siya palabas ng pinto.

"Teka sasabay na 'ko!" tinakbo ko si Tammy na mukhang antok na at kiniss ko siya. "Bye, baby!" mabilis akong tumakbo pasunod kay Fyuch.

"Wag kang tumakbo, kakakain mo lang." masungit na sabi niya nang makaabot ako sa elevator.

"Yieee nagiging concern na siya sa 'kin. Tapos susunod niyan pagagalitan mo na 'ko kapag hindi ako kumain sa oras tapos mag-aaway tayo tapos kunwari magtatampo ako. Susuyuin mo 'ko pero dahil medyo marupok ako syempre kikiligin na naman ako at sa sobrang kilig ko ay aayain na kitang magpakasal and we will live happily ever after!"

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now