Kabanata 39

21.3K 859 269
                                    


Kabanata 39

From: Captain Alvarez

/I hope you're okay. Just call me if you need an update on the case. Take care always, Portia./

Napangiti ako pagkabasa sa reply ni Captain. Nag-text kasi ako na hindi makakapunta sa meeting at si Fyuch na ang a-attend para sa 'kin.

Pagkatapos ko sa pagsusulat ng mga script ko dumiretso agad ako sa MGC. Alam ni Daddy ang nangyari kay Kairo kaya hinayaan naman ako nitong pumunta sa kumpanya sa oras na libre ako. He's been very patient with me kaya hindi ko masyadong pinoproblema sa ngayon ang pag-aaral sa pagpapatakbo nito. Kung ano lang ang kaya kong i-handle ay 'yon lang muna ang binibigay nila sa 'kin.

"Thank you, Mr. Champ," sabi ko sa assistant ni Dad pagkabigay nito sa mga dokumentong hiningi ko. May mga ongoing projects and deals kasi ang MGC na kailangan kong pasadahan ng basa. Tangina, daig ko pa ang nagbalik eskwela sa dami kong ni-re-review araw araw. Kaya kapag napapatingin ako sa itsura ko sa salamin, napapabuntong hininga na lang ako.

Hindi na nga sapat ang 24 oras sa isang araw para sa mga trabaho ko, saan ko pa isisingit ang pag-aayos ng sarili ko doon? Genes ko na lang talaga ang nagdadala ng pagiging mukhang tao ko recently. Kung hindi lang ako natural na maganda ay baka marami nang natakot sa estado ng itsura ko ngayon.

"Natutulog ka pa ba?" singhal na tanong sa 'kin ni Dior pagdating ko sa ospital. Humila ako ng upuan at pumwesto sa tabi ng kama ni Kai. Nasa normal room na ito ngayon pero hindi pa rin nagigising.

"Nakatulog naman ako ng dalawang oras ngayon."

"Sige tuloy mo lang 'yan. Para sa susunod na araw ikaw na ang nand'yan sa kalagayan ni Kairo," pamimilosopo ni Lyra na nasa likuran ko. Silang dalawang kasi ngayon ang nagbabantay at pinauwi muna nila sina Mona at Tita Hilda. 

"How's he?" pag-iiba ko ng topic. "May sinabi ba ang doktor kung bakit hanggang ngayon wala pa ring pagbabago sa lagay niya?"

Lumapit si Dior sa tabi ko. "May mga organs siyang tinamaan ng husto kaya hindi pa nila masabi kung kelan siya gigising. They just told us... to wait."

Ipinatong ko ang dalawang braso ko sa gilid ng kama at saka sinubsob ang mukha ko roon. Lalong tumitindi ang galit ko sa tanginang Pablo na 'yan sa bawat araw na lumilipas na hindi pa rin gumigising ang pinsan ko.

Miss na miss ko na si Kairo. Hindi ko na kayang pagmasdan ang kasalukuyang kalagayan nito. Sobrang nakakapanlumo. Malayong malayo sa makulit at gagong Kairo na pinsan ko.

"Alam ba ng jowa mo 'yang ginagawa mo sa sarili mo?" Narinig ko ang paglapit din ni Lyra sa kabila ko. "Kung ako si Sam baka sinapak na kita para matauhan ka at umayos."

Tinagilid ko ang mukha ko. "Rinding rindi na nga 'ko sa panenermon ni Fyuch," walang ganang sagot ko. 

Kada uuwi ako ng late nang hindi nagsasabi sa kanya, pinapagalitan ako. Tapos minsan nahuhuli niya 'ko na nagtatrabaho pa hanggang madaling araw kaya inaaway niya 'ko para lang matulog na. 

"Aba, dapat lang! Eh, mas malala pa itsura mo kaysa dito kay Kairo, eh!"

"Kaya ko pa naman."

"Ngayon kaya mo pa. Pa'no kung bukas mauna ka pang mamatay d'yan?"

"Lyra!" bulyaw ni Dior. "Dahan dahan ka naman d'yan sa bunganga mo!"

"Bakit? Totoo naman, ah? Tingin ba niya nakakatulong siya d'yan sa ginagawa niya? At palagay ba niya matutuwa si Kai kapag nagising at makitang ganyan ang itsura niya?!"

Gigil na gigil ito sa likuran ko. At tingin ko nga ay kung wala lang si Dior dito, baka kanina pa 'ko sinabunutan ni Lyra.

"Intindihin na lang natin ang isa't isa," pagod na ani Dior. "Pare-pareho naman tayong nahihirapan sa sitwasyon." She sounds so stressed.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now