Kabanata 44

19.1K 608 92
                                    

Angel's note: Happy New Year! Mag-ingay na tayooo 2021 na! 🤣 Enjoy the update. ❤️

***

Kabanata 44

Kung meron man akong pinaka-pinagkakatiwalaang tao ngayon sa tabi ko, si Fyuch lang 'yon. I even trust him more than I trust myself. At alam kong gano'n din siya sa 'kin kaya niya 'ko hinayaan sa setup ko kay Easton—kahit alam kong labag iyon sa kalooban niya.

So, who am I to doubt the man who knows my trust issues best? I'm his fiancee and I should know him better more than anyone else.

Napatitig ako sa mga lata ng beer sa coffee table. Natawa na lang ako sa sarili ko na nagpapa-apekto ako sa kagagawan ng China doll na 'yon! Pero in fairness, sa tagal ko na yatang hindi nakakainom, wala man lang naging epekto sa 'kin 'tong mga naubos ko.

Tumayo ako at dinampot lahat ng kalat ko. Mabilis akong nagligpit bago pa 'ko madatnan ni Fyuch na mukhang brokenhearted! At saka baka kabado na rin 'yon dahil akalaing galit ako sa kanya.

Napatakbo ako papasok sa kwarto ko nang marinig ko na ang pagbukas ng pinto. Sumandal ako sa likod na para bang nakikipag-taguan ako. Bakit ba 'ko kinakabahan?! Feeling ko kasi kapag nakita ko ang bigong itsura niya ay mabigyan ko na lang siya bigla ng anak. Chos!

Hinintay ko ang pagkatok niya.

"Portia?"

Kinakabahan ako na natatawang tumalon sa kama ko at saka nagtalukbong sa kumot. Para akong batang sira na nakikipag-taguan! Maya-maya pa ay dinig ko na ang pagpasok niya at paglapit sa kama.

"Baby?" maingat na tawag niya. Jusko! Isang baby pa lang niya parang ako yata ang hihimatayin sa kaba! Naramdaman ko ang paglubog ng kama ko sa pag-upo niya. "Baby, please... talk to me."

He gently touched my head underneath the cover. Haay. Paano ko ba matitiis ang lalakeng 'to? Sa kasalanang hindi pa nga siya ang may gawa ay gan'to na siya ma-guilty. Paano niya pa magagawang lokohin ako? Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakatalukbong ko at nakita ko na nga ang kabado niyang itsura.

"Bakit ganyan mukha mo?" Nakanguso kong tinusok ng daliri ko ang pisngi niya.

A small frown creased his forehead. "Because you're mad at me for what you saw earlier."

I arched a brow. "Who told you I'm mad? Kasalanan mo ba? Ginusto mo bang yakapin ka ng China doll na 'yon?"

He sighed and shook his head. "We were just talking about work. Then suddenly she asked about you. She said things against you so I really got mad at her. She tried to apologize."

"Talaga? Nagalit ka dahil siniraan niya 'ko sa 'yo?"

"I'd get mad at anyone who'd say bad things about you."

Aww, kyuti ng bb ko!

"Pero paano kung totoo naman 'yung sinabi nila?" I challenged.

His eyes remained focused on me. "I don't care. I know you better than they do."

Tila may lumundag sa puso ko sa tuwa sa sinabi niya. Bakit gano'n? Parang kahit anong itanong ko ay may maisasagot siyang tama! Ang unfair!

Dinala niya ang kamay niya sa pisngi ko at marahang hinaplos iyon. Pinagmasdan ako ng mga mata niya na punong-puno ng pagmamahal. Hinawakan ko iyong kamay niya sa pisngi ko.

"What happened after she apologized?" nangingiti kong tanong.

"Niyakap na niya 'ko. Then she told me...." huminto siya at napatitig lang sa 'kin. Tila bigla siyang nagdalawang isip na ipaalam sa 'kin 'to.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now