Kabanata 4

34.4K 1K 440
                                    

Kabanata 4

"Para kang tanga," epal ng panget na si Kairo sa malapad kong ngiti. Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ang pag ngiti ko sa kawalan habang magkakasama kaming nakahilata sa sala ni Mona.

Kumpleto kaming magpipinsan na bumaba dito sa unit niya dahil hindi pumayag ang tatay naming si Kairo na may maiwan doon gaya ng plano sana ni Lyra. Jusko halos kaladkarin niya palabas si Lyra dahil ayaw humiwalay kay Steel ni gaga.

"Nag-sex ba kayo ni Sam? Saw you two coming out from a room."

Muntik kong maibuga ang iniinom kong coke in can sa tanong ni Lyra.

"What?!" parang patay na biglang nabuhay si Mona. "Nakapag quickie ka na kanina?!"

"Did you really had sex with Atty. Smith?!" gulat na pagpapangatlo ring tanong ni Dior.

I raised my middle finger at them.

"We just talked! Ang dudumi talaga ng mga utak ninyo." Inirapan ko sila at kinilabutan naman ako sa tingin ni Kairo na mukhang me-murder-in ako. "Walang nangyari, okay?! Kahit naman malandi akong katulad ninyo, hindi ako nakikipag-sex agad agad."

Di ba nila alam na shy type ako? Huehue.

"Haay. Akala ko pa naman may ma-i-she-share ka na." Walang ganang bumalik sa pagtulog si Mona.

"Weak mo talaga. Pero in fairness, I commend your taste." Nginisian ako ni Lyra habang naka-spread ang mga braso niya sa sandalan ng sofa. Sa itsura pa lang ng mga tingin niyang ito, mukhang hindi ko magugustuhan ang kung ano mang nasa utak niya. "Atty. Sam looks so calm in the outside, but that what makes me more curious kung gaano kaya siya ka-wild sa kama?"

"Don't you ever think about it, Lyra." I warned her raising my fist in front of her. Nagtawanan ang mga gaga sa reaksyon ko kahit nakapikit na sina Dior at Mona. Pinagtitripan na naman ako ng mga 'to. Tsk.

"Charot lang syempre. Hindi pa naman ako nauubusan ng lalaki para agawan ka."

Niyakap ko ang throw pillow na hawak ko at humiga sa sahig. "Minsan lang naman ako magka-crush kaya suportahan niyo naman ako!"

Myghad. Kilala na ng mga pinsan ko si Fyuch. Official na kami sa side ko. Huhu. Feeling ko close na kami dahil sa chikahan session namin kanina. Matagal man ang process ng relationship namin, at least may progress! Keri na 'yon!

"FINALLY! Happy weekend everyone!"

Naghiyawan ang lahat after ng last airing namin for this week. Sobrang hectic kasi ng schedule namin nitong linggong ito at halos wala kaming maayos na tulog and social life. Filing of candidacy ng mga tumatakbo sa pagka-alkalde ngayon kaya halos mga mukha ng mga buwayang garapal sa posisyon ang nakita ko buong linggo. Jusko nakalimutan ko na yata ang mukha ni Fyuch dahil sa isang linggo ko na siyang hindi nasisilayan. Sobrang late ko na kasing nakakauwi sa condo tapos kinabukasan naman ay madilim pa umaalis na 'ko. Ang sakit na ng buong katawan ko kakatakbo kung saan saang presinto makuhanan ko lang ng exclusive ang filing ng mga tupperware na kandidato! Sarap lang kotongan 'pag ngumingiti sila sa camera.

"Uwi ka na?" tinunghay ko ang nakatayong si Justine sa tapat ng work station ko. Nag-aayos pa kasi ako ng gamit.

"Yep. Hatid mo ba 'ko?" taas kilay kong tanong.

"Okay. Kapag maganda libre, kapag panget 200 only. So, 300 sa 'yo dahil sobrang panget mo. Let's go." Sinukbit niya ang bag sa kanyang balikat at nauna ng lumabas. Iniwan akong nakatulala ng walangya.

"Siraulo ka, Justine! Sinong panget?! Ako panget?! Bulag ka bang hayop ka?! Hoy!" Hinabol ko siya hanggang sa makarating kami sa parking space at makasakay na siya sa kanyang sedan. Umupo ako sa shotgun seat at agad kong binatukan ang bwiset pagkasakay ko.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now