Kabanata 36

21.9K 733 72
                                    

Chapter 36

Simula nang pumutok ang balita tungkol sa engagement namin ni Easton, wala na 'kong natanggap na ano mang pagbabanta. Wala rin namang violent reaction si Sam dahil masyadong malawak ang pang-unawa ng fiance ko sa sitwasyon. Hindi ko tuloy alam kung maiinis ba 'ko sa kanya o matutuwa.

S'yempre gusto ko rin namang maramdaman na pinagdadamot n'ya 'ko, 'no!

"Matuwa ka na lang na gano'n ang naging reaksyon ni Sam," ani Adara habang pinapalitan ang diaper ng anak nitong si Saint. Namiss ko kasi sila bigla kaya pumunta agad ako ngayong rest day ko. "Pero malay mo nagpapanggap lang siya."

Awtomatikong umikot ang mga mata ko. "Anong nagpapanggap! Eh, chill na chill nga lang ang itsura n'ya! Wala man lang bakas ng selos o pagkabahala!"

"Ayaw mo no'n? Tiwalang tiwala siya na kahit may ibang umnagkin sa 'yo, sa kanya at sa kanya ka pa rin siguradong uuwi. Believe me, Portia. Mas gugustuhin mo nang ganyan ang reaksyon niya kaysa kabaligtaran."

Humilata na lang din ako sa kama sa tabi ni Saint at itinaas ang mga paa ko sa pader.

"Haay. Ano pa nga ba."

"Tahimik at makulit 'yang si Sam, pero 'wag mo nang pangarapin na makita s'yang magalit. Siguradong hindi mo gugustuhing masaksihan 'yon."

Pinagmasdan ko si Saint na nakatitig sa 'kin sa tabi ko.

"Kilalang kilala mo talaga si Sam, 'no?" nakangiti kong tanong habang nilalaro laro ang maliliit na kamay ni Saint.

"Oo naman. Halos magkasing baliw kayo no'n kaya hindi na 'ko nagtataka na nagkasundo kayong dalawa." Tumatawa itong tumayo para itapon ang mga kalat ng anak.

Paglabas ni Adara ng kwarto ay siya namang pagpasok ni Christian.

"Hi, brother-in-law," nakangising bati ko rito.

"You look problematic," nakangising bungad nito sa 'kin. "Nag-away kayo ni Sam?" tanong pa nito at umupo sa gilid ng kama.

"Hindi nga e," disappointed na sagot ko.

"Bakit parang hindi ka masaya? Gusto mo bang mag-away kayo?"

Pabagsak akong huminga at tumitig sa kisame. "Syempre hindi rin. Kinakabahan lang kasi ako sa kakambal mo. Sobrang kalmado niya doon sa balita at parang ang hirap lang na paniwalaan. It's been a week already at halos 'yon pa rin ang laman ng internet. And still, wala pa rin akong nakikitang pagkainis sa kanya."

Nakita ko ang tila pagpipigil ng ngiti ni Christian habang inaayos ang magulong sando na pinasuot ni Adara sa anak nila. "I didn't know he's such a good actor."

"Anong ibig mong sabihin?" Napatayo tuloy ako at umayos ng upo. Sinundan naman ko ng tingin ni Saint habang nginangat ang sarili kamay. Eeeew. Chos.

"Nagpapanggap lang 'yon na okay. Dad was the first one to see the news about your engagement. My poor brother was clueless that time and we just told him about it. Do you know what he said?" pabitin na tanong nito at nakangisi habang nilalaglag ang sariling kapatid sa 'kin. "He wanted to punch that guy right away. Pinigilan lang namin siya."

"S-seryoso 'yan? Baka naman pinapalubag mo lang loob ko?"

"Tsk. I'm serious. Kaya hayaan mo lang siyang maging kalmado. You don't know how much he's trying to keep it to himself."

Imbes na matakot ako sa isiniwalat nito tungkol sa pagpapanggap ni Fyuch ay nagpagulong gulong pa 'ko sa napakalawak nilang kama sa sobrang kilig! Wala akong pake kahit tinatawanan ako ni Christian! Ang importante ay kumpirmado ko ng may epekto naman pala ako sa bb ko!

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now