Kabanata 26

25.1K 744 244
                                    

Kabanata 26

"Portia Deanna Martin, do you take Sam Spencer Smith to be your lawfully wedded husband, to have and to hold, in sickness and in health, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto him for as long as you both shall live?"

"I do po, Father! I doooo! Can I kiss the groom now?"

Hindi ako ni pinansin ni Father. Huhuhuhuhu.

"Sam Spencer Smith, do you take Portia Deanna Martin to be your lawfully wedded wife, to have and to hold, in sickness and in health, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto her for as long as you both shall live?"

"I...don't. I'm sorry."

Umawang ang labi ko at nanlaki ang mga mata ko. Awang awa siyang tumingin sa 'kin.

No.

What's happening?

He can't do this to me!

"Portia? Portia?"

"I do... I do..."

"Hoy pokpok ka gumising ka nga d'yan!"

Isang napakalamig na bagay ang dumikit sa pisngi ko dahilan para mapabalikwas ako at mapabangon. Namumungay ang mga mata kong napatingin sa mga pinsan kong nakapaligid sa 'kin.

May hawak na ice pack si Mona habang mga naka-apron naman sina Lyra at Dior na may hawak ding sandok at sansi.

"Pinagpapantasyahan mo na naman bang ikinakasal ka sa crush mong hindi ka naman crush?" Nakapamaywang na tanong ni Mona. Kontrabida talaga 'tong babaeng 'to kahit kelan.

Pinasadahan ko ulit sila ng tingin. Maaarte lang ang mga pinsan ko pero mga marurunong magluto 'yan. In short, mga magpipinsan kaming magaganda na, masasarap... magluto.

"May pa I do I do ka pang nalalamang malandi ka! Ang korni mo talaga! Dapat diniretso mo na agad sa honeymoon! Hanggang sa panaginip napakakupad mo!" sermon ni Dyosang Lyra.

Oo na! Sige na! Ikaw na ang pinakamabilis sa lahat ng bagay!

Pero teka... so ibig sabihin panaginip lang 'yung pag-reject sa 'kin ni Fyuch sa kasal? Oh my gosh sinasabi ko na nga ba!

Tumayo agad ako para sana puntahan siya kaso hinarangan ako nina Dior at Mona na pawang mga naka-krus ang mga braso.

"At saan ka na naman pupuntang hindot ka?" Napatakip ako ng tenga sa tinis ng boses ni Mona.

"Baka pupuntahan ko lang naman ang boyfriend ko?"

"Ay wow mukhang nananaginip pa rin si gaga!"

Ay wait wait waiiiit. Napahinto ako. Hindi pa nga pala alam ng mga bruhang ito ang latest news! Ghad.

I cleared my throat and faced them with a huge smile on my face.

"Just to inform you, my single cousins..." Nilabas ko ang kwintas na binigay sa 'kin ni Fyuch. "Sinagot ko na si Attorney kahapon!" bulalas kong tila isang surpresa sa kanila.

Nagtatalon ako sa excitement pero para silang mga tuod lang na nakatitig sa 'kin.
Hinintay ko ang mga gulat na reaksyon nila ngunit nabigo ako dahil pawang mga tumaas lang ang kanilang kilay.

"Niligawan ka ba ni Attorney?" si Dior na walang malay.

"Diba matino naman isip ni Sam?" Sasapakin ko na 'tong si Mona pigilan niyo 'ko!

"At saka hindi ba't ikaw ang manliligaw no'n? Sinagot ka na ba?" Lyra Juliet!

Magkasalubong ang kilay kong dinuro silang lahat.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now