Kabanata 23

25.4K 715 249
                                    

Kabanata 23

I thought that maybe if I stopped talking to Sam, my life would get back to normal. Normal naman ang buhay ko pero simula kase nang dumating siya, parang naging sinabawang gulay--kase makulay na ang buhay! Char.

Buong linggo kong iniwasan lahat nang pwedeng maging daan para magtagpo kami. I ignored his messages, his calls, even his own presence kaya pinili kong manatili sa loob ng condo.

Akala ko mababawasan 'yung pagka-crush ko sa kanya kapag tinigilan ko siyang asarin. Akala ko kapag tinigilan ko siyang asarin, titigil na rin 'yung nararamdaman ko.

Kaso parang kabaligtaran na naman 'yung nangyari. Parang kahit anong gawin ko ayaw umayon sa 'kin ng panahon. Noong inaakit ko siya, ako ang naakit! Ngayong iniwasan ko naman siya, lalo kong namiss!

Hindi ba't ang unfair nun sa part ko?

Tapos ngayong ayaw ko naman siyang makita, heto siya at nakatayo sa harapan ko! Bakit niyo 'ko pinahihirapan ng ganito? Nagmu-move on na nga 'yung tao e. Huhu.

"Let's talk."

Omg. Eto yung mga nababasa ko sa internet na kapag sinabing let's talk, may hindi ka nais nais na nangyayari ihhh! Ghaad.

"A-Ano kasi medyo busy ako e---teka hoy wait lang!" Dire-diretso siyang pumasok at para akong hangin na dinaanan lang niya.

Dali-dali ko siyang sinundan pero huminto siya sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad kaya napa-preno ako bago bumangga sa kanyang nakaawang na dibdib. Nakasuot kasi ito ng polo na bukas ang tatlong butones. Hayst. Isara ko muna kaya? Nakaka-distract e!

"M-Musta?"

"After ignoring me for 7 days you'll ask me musta?" pikon na tugon niya.

"Eh anong gusto mo? Yow, wazzup?" tanong ko with matching actions pa.

Sa totoo lang sobrang nagi-guilty talaga ako sa ginawa ko. Hindi ko naman gustong balewalain siya. Wala lang akong choice! Ako lang din ang kawawa kapag nagkataon.

"Iniiwasan mo ba 'ko, Portia?"

"H-Ha? Hindi naman ah. Madami lang talaga akong ginagawa ngayong buong linggo," pagsisingungaling ko. Iyong galit niyang mga mata kanina ay napalitan ng lungkot.

Why, Sam? Why do I see pain in your eyes?

"Did I do something wrong?"

Napatulala ako sa napakalamlam niyang mga mata. Laglag balikat akong umiling.

"Wala naman, Fyuch. Sorry kung naging gano'n ang dating sa 'yo."

"No, I don't want your sorry. I want your reason. Why are you doing this?"

I bit my lower lip, thinking about the right thing to say.

"S-Sorry kasalanan ko--"

"Damn it--stop telling me you're fucking sorry when you're really not, okay?! Do not give me that kasalanan mo bullshit reason, Portia! Come on giive me a valid one!"

"Because I'm a stupid coward! Okay na?!" Dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko pati na ang paghinga ko. "N-Natakot akong mas lalong mahulog ang loob ko sa 'yo! Natakot akong masaktan! Natakot akong... baka hindi na 'ko makabangon."

Yumuko ako dahil hindi ko na siya kayang tignan ng deretso sa mata.

"Hindi pa ba sapat na sinabi kong gusto kita?"

"Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan kung anong klaseng gusto ba 'yon? Malay ko ba kung gusto mo lang ako dahil napapatawa kita, hindi ko alam!" I shouted, really frustrated.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon