SIMULA

90.5K 1.3K 393
                                    

Disclaimer:

Any resemblance to real persons or other real-life entities is purely coincidental. All characters and other entities appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, dead or alive, or other real-life entities, past or present, is purely coincidental.

Also, please avoid comparing my story to other Author's story. Especially mentioning titles and name of other's characters. It's rude and I don't like it. Just drop this story if you didn't feel like continuing it or I will block you. Thank you.

***

Simula

"You'll marry Easton dela Vega and that's final, Portia Deanna!" my Dad's voice echoed around the room.

Napahawak siya sa kanyang dibdib nang tila nanikip na naman ito dahil sa kunsomisyon sa 'kin. Dinaluhan siya ni Allyson--ang aking very young step mom na pakunwaring labis na nag-aalala sa kanya.

What a great pretender gold digger bitch.

Napabuga ako ng hangin. Nakakatawa lang maglaro ang tadhana. Siguro kung last year nila sinabi sa 'kin ito ay baka nagdiwang pa 'ko sa tuwa. Kaso ngayon pa ba? Pagkatapos akong gaguhin ng punyetang 'yan?! Manigas siya!

"I won't marry that damn cheater, Dad."

Matalim kong sinalubong ang tingin ng manlolokong lalaki na nakaupo sa harapan ko. I was so surprised to see him here at my father's office habang siya ay parang expected na niyang ako ang makikita rito. Sinamaan ko siya ng tingin. How dare he look at me like he's so fucking concern? Like he didn't fool me?!

"It's the only way for the both families, Deanna. You've wasted enough time already! Maging responsable ka naman kahit ngayon lang!" pa-epal na drama ni Allyson.

I gave her a mocking look.

"Bakit? Naubos mo na ba ang pera ng kumpanya? Wala ka na bang pambili ng bagong designer bags?"

"Deanna!" bantang sigaw ni Dad. "Wala ka talagang respeto!"

"Totoo naman diba? Kaya ako na ang binebenta niyo ngayon?!"

"Ugh..."

"Dad!" agad akong tumakbo palapit sa Daddy ko, pero hinarangan ako ni Allyson. "Pwedeng tumabi ka?!"

"This is your fault! Kapag may nangyari hindi maganda sa Daddy mo I won't forgive you!" pagalit na sigaw niya. Running for best actress talaga! Kung hindi lang dahil sa Daddy ko ay hindi ko pagtitiyagaan ang higad na 'to e!

Pinasadahan kong muli ng tingin si Dad. "I'll call Dra. Florendo to check on you. Aalis na 'ko."

I can't really stand the sight of her! Napaka mapagpanggap niya! Ako na lang yata ang hindi niya nauuto sa buong pamilya ko at kumpanyang ito.

Badtrip akong nag martsa palabas ng opisina ni Dad at narinig ko ang mga yabag ng pagsunod ni Easton. Hindi ko pinansin ang pagtawag niya hanggang sa nahuli niya ang palapulsuan ko.

"Ano ba?!" sigaw kong baling sa kanya.

"Bakit hindi ka na lang sumunod sa Daddy mo?"

I gave him an are-you-serious look.

"Madali lang naman sumunod actually. Pero ang sundin ang gusto nilang pakasalan ka, ano ako? Tanga? Siguro noon oo, pero ngayon, hinding hindi na."

Itinulak ko ng malakas palayo ang kamay niya at mabilis akong naglakad paalis.

Ghad! I need a drink! I need to dance this stress away! Tinawagan ko ang best friend kong si Adara para sana samahan niya akong mag club kaso nasa airport siya papuntang Virginia!

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now