Kabanata 38

20.6K 1K 416
                                    

Angel's note: If you liked this chapter, please vote and leave a comment too! Thank you!

--

Kabanata 38

Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa malaking salamin sa women's room. Napapikit na naman ako nang mariin. Para kasi akong mauubusan ng hangin sa table kasama sina Daddy at Fyuch kaya nag-excuse muna 'kong mag-c-cr lang.

Humigpit ang hawak ng magkabilang kamay ko sa gilid ng sink. At agad na dumapo naman ang mga mata ko sa higad na biglang pumasok.

"Kaya pala ayaw mo sa isang Dela Vega," panimulang banat nito bago tumabi sa 'kin at naghugas ng kamay. "Dahil isang Smith pala ang target mo. Nice idea, huh? Gumagamit ka naman pala ng utak paminsan minsan."

"Kung anumang germs ang gumagapang ngayon d'yan sa utak mo, pakihugasan mo na rin. Wag mo 'kong itulad sa 'yo na sa bank account bumabase. Bahala na kung matanda. At lalong mas bahala na kung may asawa't anak."

Mala-demonyita pa itong tumawa imbes na mainsulto sa sinabi ko. "Bitter ka pa rin sa pagpapakasal ko sa ama mo? Wala ka naman ng magagawa, bakit ba hindi mo na lang ako tanggapin? Your mom is dead already at kahit hiwalayan ko pa ang Daddy mo ngayon, hindi na tatayo sa hukay ang ina mo."

"Wag na 'wag mong dinadamay ang mommy ko, Allyson. Hindi porke't buntis ka ay hindi na kita kayang patulan? Baka ako mismo ang magpaanak sa 'yo rito ngayon din?"

"Chill, my daughter. Hindi naman ako nakikipag-away sa 'yo. Normal lang naman siguro sa isang ina na kamustahin ka, anak?"

"Kilabutan ka nga. Baka nakakalimutan mong apat na taon lang ang pagitan nating dalawa? Pero kung sabagay..." Pinasadahan ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Hindi na nakapagtataka na pumatol ka sa may asawa. Malandi rin naman ako pero hindi ako katulad mo na isang imoral na pumapatol sa pamilyadong tao."

"Grabe talaga sa talas 'yang dila mo." Humugot ito ng tissue towel sa gilid at nagpunas ng kamay. "Hasang hasa sa sobrang talim."

"Bakit? Napuruhan ka ba? Pinatulan mo lang naman ang Daddy ko dahil sa pera niya. So, kamusta naman ang pamilya mo ngayon? Nakaahon na ba?"

Mabilis na nagbago ang timpla ng mukha nito. Hindi ko naman gustong idamay ang buong pamilya niya pero may parte sa 'kin ang galit din sa kanila dahil hinayaan nila ang anak na manira ng ibang pamilya.

Kaso sadyang nilamon na yata talaga ng kasamaan ang utak ng babaeng 'to. Agad na nawala rin iyong galit nito na gumuhit sa mukha at bumalik sa pagka-walangya. Ang kapal!

Kinuha nito ang isang mamahaling brand ng lipstick mula sa dala nitong Chanel kiss lock bag. Taas noo nitong ni-retouch ang namumutok na labi. "Hindi ko naman uubusin 'yung mana mo kung 'yon ang inaalala mo. Kahit nga tinanggal ni Frederick ang pangalan mo sa will niya, hindi naman ako gano'n ka-walang puso para pabayaan kang maghirap."

Kinalma ko ang mga nangangatal kong kamay dahil baka hindi na talaga ako makapagpigil pa at maihampas ko na ang mukha ng babaeng 'to sa sink. Kalma, Portia. Bawian mo na lang pagkapanganak.

Tinignan ko ang malaking tiyan nito.

"Ang malas naman niyang anak mo. Pabinyagan mong maaga 'yan, ha? Nang mahugasan agad ang napakaraming kasalanan mong ipapamana sa kanya."

Nginisian ko ito bago iniwang namumula sa inis.

Pagbalik ko sa table ay inabutan kong nangingiti si Daddy habang kausap si Fyuch. Sinasalinan pa siya nito ng alak sa baso kaya't nakataas ang kilay kong bumalik sa pwesto.

"Anong nangyari?" nagtatakang tanong ko. Nag-irapan naman kami ni Allyson pagkabalik din nito sa tabi ni Dad.

Nagbanggaan muna silang dalawa ng mga baso bago pinansin ang tanong ko.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now