Kabanata 13

28.9K 872 573
                                    

Kabanata 13

"Just kidding." He laughed a little when he saw my face. "Get some rest before you leave later," dagdag pa niya bago tumalikod at naglakad paalis.

Naiwan akong nakatanga sa may hamba ng pintuan habang pinapanood ang likod niyang papalayo. Unti unti ay kumukurba ang magkabilang sulok ng labi ko. Teka, nilalandi na ba 'ko ni Fyuch?! Ibig sabihin ba nito ay mag-ML na kami? Mutual Landian ganern?!

Pigil tuloy ang tili ko na pumasok sa loob. Pagsarado ko ng pinto, nagsisigaw agad ako sa sobrang kilig at tuwa sa naiisip ng assumera kong utak! Packing tape. May himala nga yata talaga!

After kong makapag-ayos ng gamit ay humiga muna ako. Sinunod ko ang gusto ng bb ko na magpahinga muna ako before bumyahe. Ang sweet namin 'di ba? Couple goals. Chour.

"Sigurado kang wala ka nang nakalimutan?" masungit na tanong ni Justine na mukha na namang binasted ng sampung babae. Ang malas ko lang na isa siya sa mga makakasama ko ng limang araw.

"Wala na." final na sagot ko.

"Siguraduhin mo lang dahil mag-isa ka ng babalik kapag nagkataon." ang sungit talaga!

Sumakay na siya sa van at sumunod na rin ako. Nasa loob na rin ang iba pa naming mga kasama dahil ako ang pinakahuling dinaanan nila.

"Hi, Kuya Rey! Hi, Kuya Archie!" bati ko sa dalawang cameraman naming kasama. "Hi, Kim." Bati ko rin sa aming technical assistant. Ako lang ang nag-iisang babae sa team, pero okay lang. Kaya kong mag-adjust at magpaka lalake rin minsan. Flexible ang gender ko. 

Chinat ko agad si Fyuch para i-update siya. Parang kami na, e no? Siya lang talaga 'tong pakipot. Sa 'kin kasi okay lang naman, I swear.

porkshaaa: paalis na kami, bb. where na u?

seen

sssmith: are you with the whole company?

Uy ang bilis mag-reply. I feel so special na tinapay tuloy. Malanding tinapay. Charing!

porkshaa: nope. Team ko lang kasama ko. San ka na?

sssmith: ilan kayo? Are you all girls?

porkshaaa: 5 po. We're all boys. ^.^v

sssmith: ikaw lang babae?

porkshaaa: yes, fyuch. Pero don't worry ikaw pinakapogi sa kanila.

porkshaaa: san ka na bb? di mo ko sinasagot. ☹ sagutin mo na ko para tayo na. Char.

sssmith: airport. My flight is in 30 mins.

Hmp. Di man lang tinamaan sa hidden message ko na medyo bulgar. 

porkshaaa: yung anak natin nasan na?

sssmith: home. Where are you staying exactly?

Gosh tanggap na talaga niyang pamilya kami. Hihihi. Kilig!

porkshaaa: sa puso mo, to be exact.

sssmith: Tss.

porkshaaa: hihi. Di ko pa sure hotel namin e. Send ko later bb.

sssmith: ok. Tc.

porkshaaa: tc?

sssmith: take care.

porkshaaa: ahhh! Kala ko thanks crush.

porkshaaa: Char! Hahahahha! Oshaaa ily. <3

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now