Kabanata 46

16.8K 577 134
                                    

Kabanata 46

Bumaluktot ako sa kama at niyakap ang mga tuhod ko. Dito muna ako nag-stay sa dating kwarto ko sa unit ni Kairo habang pinag-iisipan ang napakagulo ko na namang buhay.

Nilibot ko ng tingin ang paligid at wala na ni isang gamit ko. Nandoon na kasi lahat sa unit niya. Tsk. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sitwasyon ko ngayon o maaawa sa sarili ko.

Sino nang magmamahal sa 'kin ngayon? Me, myself, and I na naman ba? Ugh. Taragis, nag-self pity pa!

Tinakpan ko ng unan na hiniram ko lang kay Kairo ang ulo ko. Patayin ko na lang kaya ang sarili ko para 'di na 'ko namomoblema ng ganito?

Yuck, Portia! Kadiri naman 'yang iniisip mo!

Bahagyang natawa tuloy ako at napailing. Kahit naman pahirapan ako ng mundo ay hindi ko gagawin ang magpakamatay, no! Gawain lang 'yon ng mga duwag. Dahil para sa 'kin, hanggat humihinga ka pa, wala kang karapatang sumuko. At mas lalong wala kang karapatang bawiin ang sarili mong buhay na ipinahiram lang sa 'yo in the first place.

'Yan! Ganyan dapat! Maganda ka—este matapang ka, Portia.

Hindi mo dapat hayaan na lamunin ka ng lintek na pag-ibig na 'yan. Dahil ikaw! Ika ang dapat na lumamon d'yan kahit pa mabulunan ka ng paulit-ulit!

"Portia?"

Tinignan ko ng masama ang pinto.

"Oh, baket?"

"Nasa labas si Sam."

Asdfghjkl! Nagmu-move on na 'ko, e!

"Oh, bakit nand'yan 'yan?"

"Malamang sinusundo ka." Na-imagine ko agad ang pang-iirap ng magaling kong pinsan.

Hindi ako nagpatinag. Pumikit pa 'ko at mas hinigpitan ang pagkakayakap ko sa mga tuhod ko.

"Sabihin mo patay na. O kaya sabihin mo nag-migrate na sa Mars kasama ni Pedro."

"Tangina sino si Pedro?"

"Manliligaw kong alien."

"Labo mong kausap. Ano na? Papapasukin ko ba?"

"Subukan mo at sa labas ka matutulog!"

"Baka nakakalimutan mong unit ko 'to?"

"Ay oo nga pala. Sorry." Para akong tanga na natawa. "Paalisin mo na. Ikaw nang bahalang magdahilan kung anong kinamatay ko."

"Siraulo."

Narinig ko na lang ang paglakad niya paalis. Kanina lang iyak ako ng iyak tapos ngayong narinig ko lang na nand'yan si Fyuch, e muntanga na naman akong natatawa. Nasisiraan na yata talaga ako ng ulo.

Shuta, sinisundo ka pa lang sa lagay na 'yan, self, ha?

Pinilit ko na lang na makatulog agad para hindi na 'ko ma-tempt pa na akyatin siya sa unit niya. Kaso panira naman 'tong tiyan 'ko na walang pakikisama! Kalam nang kalam!

"Kapag nasa ganito tayong sitwasyon, hindi ka dapat nakakaramdam ng gutom!" Dinuro-duro ko pa ito habang pinagsasabihan. Kaso, shit lang lalo pang lumakas ang pagtunog! "Lord, help. Sana may pagkain sa kusina."

Nagdasal ako ng mataimtim habang bumababa mula sa kama.

"Kahit fried chicken lang at pasta sana may takeout siya sa ref. Pwede ring may kasamang burger at thanks in advance po kung may dessert na rin."

Daig ko pa ang may saltik sa pagkausap ko sa sarili ko. Dahan-dahan kong binuksan ang ref with my eyes just slightly opened. Napamura na lang ako ng malutong nang makita kong ni hindi man lang ito nakasindi!

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now