Kabanata 25

27K 809 174
                                    


Kabanata 25

Sa lahat yata ng tulog ko ay isa ito sa mga pinakamasarap. Alam kong malambot naman ang kama ko pero itong higaan ko ngayon ang pinaka-komportable. Kakaiba sa lahat—saktong sakto ba. It's like the heaven made this bed just for me. Tapos ang bango bango pa ng paligid.

Stretching my whole body like what I always do every morning, I put my arm and thigh around the hard pillow in front of me.

And it's moving—wow.

Slowly opening my eyes, I saw it even blinking—oh.

"Am I imagining things early in the morning?" he asked in his bedroom voice.

It's talking as well—nice.

"Uhm...no?" I answered, not quite sure tho.

"Then why the heck are you here on my bed, Lady?"

"Am...I?"

"You are..." Dumapo ang mga tingin niya sa braso at hita ko na parehong nakapatong sa kanya.

My mind went crazy I couldn't even recognize if this is really happening or I'm just imagining things again.

"Uhm...yeah...maybe...we're still...dreaming." Pumikit ulit ako at hindi nag-abalang umayos ng posisyon. Dahil kung panaginip man ito ay susulitin ko na. "Tulog na lang ulit tayo."

Isang may kalakasang pitik sa noo ang natanggap ko at napadaing ako.

"Ouchieee!"

"Portia, bakit nandito ka? Don't tell me that you sleepwalked?"

Simangot akong bumangon habang haplos haplos ang noo kong pinitik niya. Shocks 'di ako nananaginip.

I looked at him with my usual morning face. "Akala ko kasi kaninang pumunta ako dito umaga na tapos pagtingin ko sa bintana mo madilim pa kaya chineck ko yung oras sa sala mo at nakita kong 3AM pa lang tapos natakot na 'kong bumalik sa baba kasi pag alas tres na 'di ba may mumu na?" Hingal na hingal ako pagkatapos kong magsalita. At mas lalo yata akong hiningal nang makita ang nakabalandra niyang sarili na walang suot na damit pang-itaas. Napangisi ako. "Wow. Breakfast in bed."

Naniningkit ang mga mata niyang tumitig sa 'kin habang unti unting hinihila ang comforter at itinatakip sa kanyang sarili.

"Pervert woman."

"Eh bakit kasi wala kang damit? Hehehe!" Tinakpan ko pa kunwari ang mukha ko pero nakalabas naman ang mga mata ko sa pagitan ng aking mga daliri. "Hindi ka ba talaga nagdadamit 'pag natutulog?"

"Tsk. Malamang matutulog ako sa kwarto ko bakit ako magdadamit?"

"Oh...edi practice na lang. Para kapag magkasama na tayong matutulog sa kwarto sanay na 'kong makita kang shirtless." Natatawa akong tumayo sa kama niya at tumalon pababa. "Gutom na 'ko, Fyuch may pagkain ka ba d'yan?" Nagpauna akong lumabas sa kanya ng kwarto at dumiretso sa kusina niya. Sumunod naman siya nang nakabalot pa rin ng comforter.

Hawak ko ang tiyan kong kumukulo habang naghahanap ng pwedeng makain. Samantalang siya ay nakaupo lang na pinapanood ako.

"Wala ka namang pagkain dito e," reklamo ko nang wala akong mahanap na something edible.

"Wala nga." Tignan mo 'to hindi agad sinabi!

Nag-me-make face akong lumingon at umupo sa tapat niya.

"So final na? Ikaw talaga breakfast ko?" Ipinatong ko ang aking dalawang siko sa lamesa habang sapo sa dalawang palad ko ang aking ulo.

"Let's just eat outside. May trabaho ka ba?"

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon