Kabanata 16

26.7K 688 124
                                    

Kabanata 16

Kinabukasan maaga akong gumising dahil maaga akong sinundo ni Daddy. Badtrip lang dahil maaga ring nasira ang araw ko sa presensya ni Allyson.

Oo kasama siya! Kaya nakasimangot ako buong byahe namin papuntang airport. Naka-LV luggage pa si gaga habang ako backpack lang ang dala ko! Feeling yata niya out of the country ang lakad niya.

Inirapan ko si Allyson nang maunang maglakad papasok sa airport si Daddy kasama 'yung assistant niya at naiwan kaming dalawa sa sasakyan.

"Bakit ba kasama ka?" inis na tanong niya sa 'kin pagkalayo ni Dad.

Demonyita talaga 'to. Buti na lang at hindi ako 'yung tipo ng stepdaughter na kaya niyang api-apihin lang.

"Sana nga 'di na lang ako sumama. Panira ng mata 'yang makapal mong mukha e." Padabog akong bumaba ng sasakyan. "Gosh, my poor eyes."

"How dare you, bitch!"

Isinukbit ko ang bag ko sa balikat at nag-make face pa 'ko bago ako nagpaunang sumunod kay Dad. Ang hilig hilig niya 'kong simulan ng away pero siya naman 'tong laging pikon.

Pagsakay namin sa eroplano, hindi pa rin ako nakaligtas sa kapangitan ng mukha ni Allyson. Hindi ko sila katabi sa seat pero nasa kabilang aisle lang naman ako kaya kitang kita ko pa rin ang nakakairita niyang itsura. Lalo pa't kapag nagkakatinginan kami, parang may auto-roll 'yung mga mata naming dalawa.

Laking ginhawa ko pagdating namin sa hotel at naging mapayapa rin sa wakas ang paligid ko. Napilit ko si Dad na mag-book ako ng room close to the beach na may panoramic views of the sunrise. Para naman medyo matuwa ako sa trip na 'to at makapagpahinga naman ang mga mata ko kakairap sa asawa niya.

Lumabas ako sa veranda at pinagmasdan ang napakagandang tanawin ng dagat. Ang sarap sigurong tumira dito kasama si Fyuch. Hihi. Malayo sa lahat ng kumplikasyon ng buhay sa Maynila.

Pumikit ako at nilanghap ang napakasariwang simoy ng hangin. Ito talaga ang klase ng buhay na gusto ko noon pa man. Noong nabubuhay pa kasi si Mommy, natatandaan ko iyong mga pagsama niya sa 'kin sa mga ganitong klase ng lugar because we both love beaches so much. Kahit kaming dalawa lang ang umaalis dahil laging busy si Daddy sa work, I could still remember her smiling happily towards the sea.

Kaya siguro hanggang sa paglaki ko ay baon ko pa rin iyong ala-ala niyang iyon. Pakiramdam ko nga ay naipasa niya sa 'kin iyong kagustuhan niyang mamuhay sa tabi ng dagat.

How I'd love to fulfill that with the man I love! Or kung hindi talaga ako ibe-bless ng langit na makatuluyan si Fyuch, mamumuhay na lang ako ng mag-isa sa ganitong lugar. Pero sana i-bless ako. Huhu.

Konting kayod na lang at matutupad ko na ang pangarap kong makabili ng property sa tabing dagat. Ang mahal kasi e. Ayoko namang gamitin ang pera ng Daddy ko para sa pangarap kong iyon. I want to fulfill it with my own effort because it's not just a simple dream of mine. It's a dream of me and my mom.

Nagbihis ako bago tumawag ng room service for my lunch. In fairness, napakabilis ng service at kabog ang pagkain! Damang dama ko ang pagka-VVIP ng Daddy ko sa hotel na 'to. 

Pagkatapos kong kumain ay pumwesto agad ako sa hammock na nasa balcony. Nang nakita kong online si Fyuch, tumayo ulit ako at naghanap ng magandang anggulo para mag-selfie. Gumamit pa 'ko ng selfie stick para makita pati ang view sa likuran ko.

Maganda na nga 'yung background, tapos maganda din 'yung subject. Haay. Perfect!

Porkshaaa: *sent a photo*

Porkshaaa: Wish you were here. 😔

Ang landiii! Kumuha ako ng unan at niyakap ito ng mahigpit. Kunwari unan muna si Fyuch.  Nakita kong typing na siya at hindi maalis ang ngiti ko sa labi habang hinihintay lumitaw ang reply niya.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now