Kabanata 32

23.1K 722 99
                                    

Kabanata 32

Nakasimangot si Fyuch na hinatid ako sa trabaho. Kahit medyo may panghihinayang ako sa pinalagpas kong opportunity kagabi, hindi naman ako nagsisisi dahil at least, alam na niya ngayon ang pakiramdam ng nabibitin.

So next time, hindi na siya uulit. Happy na lagi si Portia!

"Good morning, everyone!" I greeted with my arms wide open.

Pero napakamot na lang ako sa ulo ko nang wala naman pa lang tao sa news room. Nakita ko ang PA naming si Chelsea at agad na kinawayan ko ito.

"Nasa'n sila?"

"Nasa conference room na, ma'am. Nag-start na po sila sa meeting."

My eyes widened. "Meeting?! Ba't 'di ko alam? Kelan nag-announce?!"

"Kagabi pa, ma'am. Nagsend po ng announcement si Boss Leila sa chatroom." Ay shit. Lumalandi nga pala 'ko kagabi! "Sige salamat!"

Kumaripas agad ako ng takbo papuntang conference room. Paghinto ko sa tapat ng pinto, huminga muna 'ko ng malalim bago ko dahan dahan at maingat na binuksan ito.

"Reporting for duty on the field will be Portia—"

"Present!" sigaw ko at itinaas ko pa ang kanang kamay ko. Naagaw ko tuloy ang atensyon ng lahat.

Ay fota bakit ako nag-present? Nag-a-attendance ka, te?!

"You're late, Ms. Martin."

Alam ko po. No need to repeat. Huhu. Kumpleto na silang lahat na nakapalibot sa mahabang lamesa.

"Sorry po." Nakayuko akong pumunta sa bakanteng pwesto sa tabi ni Justine. "Usog ka nga."

"Psh. Ang kupad mo kasi." Sinamaan ko siya ng tingin pero kinailangan kong ituon ang atensyon ko kay Boss at sa presentation nitong may malaking pangalan ko sa projector screen.

Gosh, ano na naman kaya ituuu? Ipadadala ba nila 'ko sa isang gyera? Or sa mga intsik sa West Philippine Sea?

Natatawa ako mag-isa sa mga pinag-iisip ko habang ang mga kasamahan ko ay nanatiling seryoso ang mga mukha. Kinagat ko pa tuloy ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko sa pagngisi dahil baka seryoso pala 'yung pinag-uusapan at kailangan kong maging seryoso rin.

"Okay, since our main reporter for this operation was late, uulitin ko lahat ng sinabi ko kanina para sa kanya."

Siniko ko si Justine. "Sinong reporter ang late?"

"Ikaw lang."

"Ah. Ako lang..." Tumango tango pa 'ko bago ako natauhan sa sinabi niya. "Wait...anong ako lang? Ako?! Bakit ako?!"

Napatayo ako at sa pangalawang pagkakataon ay napunta na naman ang atensyon ng lahat sa 'kin. Mga limang segundo akong tinitigan ng mga ito bago ako tinablan ng hiya at napabalik sa upuan ko.

Pero bakit ba kasi ako?!

Hindi naman sa ayoko. Gusto ko 'yung trabaho, pero hindi 'yung pagharap sa camera. I have already tried it before, but I only lasted 3 months in the field. Not because I wasn't good at it, but because of receiving series of death threats.

Syempre nakakatakot 'yun. Yung bigla na lang akong may makikitang nakaipit na papel sa windshield ng sasakyan ko tapos may nakasulat na mamatay ka rin.

Naranasan ko rin noon na may tumawag sa 'kin ng madaling araw at dahil bangag ako sa antok, nasagot ko. Tapos may babaeng humihingi ng saklolo. Kinabukasan may pumutok na balitang minurder iyong babaeng kasabwat sa malaking operasyon ng droga na nireport ko.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now