Kabanata 35

23.7K 698 163
                                    

Angel's note: hi, Cherubs! Pasingit lang. Haha. Sa mga nakapagbasa na rito ng Secret Trilogy, heto na ang book cover ng aking new released book na Married with King Daryl Smith!

Sa mga hindi nakakaalam, kwento po ito ng mga biyenan ni Portia. Char! HAHAHAHA.

Sana makakuha po kayo ng kopya! ₱195 only at PSICOM's Shopee and Lazada store. Thank you!

***Kabanata 35

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

***
Kabanata 35

"This is a security negligence. You can be held liable for failing to maintain the area security and I can sue you for that," he said, leaning on the wall with his arms folded across his chest. 

Halos mawalan ng kulay ang kanina'y mamula-mula pang labi nitong Admin ng condo. Agad namang inaksyunan ng mga ito ang pagsasaayos sa vandalized door ng unit pagkatawag ni Fyuch pero obviously ay hindi iyon ang ikinagagalit niya.

The woman nervously looked at us. "We sincerely apologize for what happened, Atty. Smith. Rest assured that we will conduct a thorough investigation into this incident."

Nagpasalamat na lang ako para matapos na agad ang paghihirap ni Ate girl. Although may security negligence naman talaga sila, inaasahan ko na rin na makakatanggap talaga ako ng threat. Marahil kung hindi man ito nakalusot dito, siguradong hahanap at hahanap ng ibang paraan ang sino mang gumawa nito para bantaan ako.

"Since when did you start getting threats?" tanong niya habang papasok kami. Nasa likuran niya 'ko at nakayukong nakasunod. Parang mas nakaramdam pa 'ko ng takot sa paraan ng pagtatanong niyang 'to kaysa sa nakita kong nakasulat si pinto. Huhu.

"Ngayon lang po," maingat na sagot ko.

Sinundan ako ni Tammy at nag-sad safe ako rito habang patuloy pa rin ako sa pagsunod kay Fyuch na dumiretso sa kwarto niya. Pagkapasok namin ay niluwagan niya ang suot na kurbata hanggang sa maalis ito.

Sumunod na tinanggal niya ang suot na coat. At nang isa isa na niyang tinanggal ang butones ng kanyang polo ay napatuwid ako ng tayo at mabilis na tumalikod.

"Do you have an idea who did it?"

Nilaro ko ang mga daliri ko at nanatili pa ring nakatalikod sa kanya.

"M-May idea naman pero not sure kung 'yun na 'yon o baka may iba pa."

Malay ko ba naman kasi kung sino doon sa mga nasa listahan sa report ko. Kung lahat 'yun ay ha-hunting-in ako, baka 'di na 'ko umabot ng Christmas at mategi na 'ko. Char.

"Tell me who."

Paglingon ko ay nakabihis na siya. Itsura na siyang mauubusan nang pasensya kapag hindi pa 'ko nagsalita. Kaya naman wala na 'kong nagawa kundi sabihin ang tungkol doon sa narinig namin kanina ni Tito Daryl. Kinwento ko sa kanya ang naging pagkikita namin ni Tito at kung paano kami biglang nagkatagpo roon sa hotel. 

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt