Kabanata 34

23.5K 624 100
                                    

Angel's warning: this chapter contains matured scenes that are not suitable for readers below 18 y/o. Kung minor ka pa, bawal ka rito, ha? Wag makulit. 

***

Kabanata 34

Hindi maalis ang tingin ko sa dalawang singsing na nasa harapan ko. Parang nawala na yata talaga sa tamang estado ang utak ko para makapag-isip ng matino.

Did he just fucking propose to me?! Or this is just another illusion?!  Oh God.

Napakarami kong gustong itanong, pero walang ni isang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Hindi ko na yata mabilang kung nakailang mura na ako sa isip ko pero tangina this talaga! Totoo nga?! 

Parang sasabog ang puso ko sa tindi ng emosyon na nararamdaman ko ngayon. Nagsasasayaw na dapat ako sa tuwa, pero heto ako, lumuluha--lumuluhang parang tanga.

"Bakit hindi ka sumasagot? A-ayaw mo ba?" Mukhang kinabahan na rin siya sa tagal kong natameme..

Gusto kong tuksuhin ang ninenerbyos niyang itsura ngunit hindi ko talaga matagpuan ang mga salitang nararapat para sa nararamdaman ko ngayon. Kahit na madalas kong ginagawang biro 'to sa kanya na gusto ko na siyang dalhin sa simbahan at pakasalan, iba pala kapag totohanan na!

Shutangina this! Parang may nagpaparty sa loob ng puso ko! Napakalakas ng mga pagkalabog sa loob nito. Ayaw paawat at tila hindi na kayang kumalma. Walang ibang isinisigaw kundi pangalan niya.

Wala na talaga akong kawala sa lalakeng ito. Masyado na akong lunod para makaahon pa.

Ngumiti ako at hinawakan ang mga pisngi ng pinakamamahal ko. Sa halip na sumagot ako ay dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Marahan kong inangkin ang mga labi niya at ipinadama ang tugon ng aking puso sa kanyang alok. Naramdaman ko ang pagngiti niya sa pagitan ng aming mga halik. 

I immediately cut the kiss and finally faced him. 

"Seryoso ka ba talaga sa proposal mo? Bakit singsing lang ang dala mo? Nasaan ang pari?" Pakunwaring hinanap ko pa ito sa paligid. Halos matunaw ang puso ko nang mas lumapad pa ang ngiti niya. Nakita ko ang labis na kaligayahan sa mga mata niya. Muli kong ginawaran ng isang masuyong halik ang kanyang labi. "Yes, baby. Pakakasalan kita kahit kelan, kahit saan, kahit dito pa mismo ngayon sa bathtub na 'to."

"You made me so fucking nervous!" reklamo niya pero malapad ang ngiting kinuha ang aking kamay at hinalikan. Tinitigan ako ng mga mata niya habang marahan na isinusuot sadaliri ko ang isang napakagandang singsing na magbibigay nang bagong yugto sa buhay ko. 

Nakangisi akong pinagmasdan ito sa kamay ko at saka ko isinuot sa kanya iyong isa pa.

Hinapit niya ang baywang ko at kinabig ako palapit sa kanyang buong katawan. Naramdaman ko ang init nang pagdikit ng aming mga balat.

"Pangakong ikaw lang ang babaeng mamahalin ko, Portia. Ilalaban kita kahit kanino--sa kahit anong paraan. Iaalay ko ang buong buhay ko sa 'yo. Mahal na mahal kita, my soon to be Mrs. Smith."

Muntik mapunit ang mukha ko sa lapad nang ngiting gumuhit sa mga labi ko.

"Mahal na mahal din kita, Fyuch. Ano mang pagsubok ang ibigay sa 'tin ng mundo, pangakong haharapin natin 'yon nang magkasama. Pangakong ikaw ang huling lalakeng mamahalin ko. Ikaw lang hanggang dulo, mahal ko."

Ngayon ko napatunayan na posible pa lang mahalin mo ng sobra pa sa sobra ang isang tao kahit sa maiksing panahon lang. Higit pa sa taong nakasama mo nang mas matagal. Lahat nang sakit sa puso ko dulot nang pagkabigo sa mga taong mahal ko, pinawi iyong lahat ng lalakeng nasa harapan ko ngayon.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now