Kabanata 14

27.2K 766 289
                                    

Kabanata 14

Sa sobrang pagmamadali kong bumaba pagkasabi niyang nandito siya ay hindi ko na nagawang makapagsuot pa ng jacket. Napansin ko lamang iyon nang makalabas na ako sa elevator at sumalubong sa 'kin ang napakalamig na klima.

Yakap ang sarili ko, hinanap ko agad si Fyuch paglabas ko sa lobby ng hotel ngunit si Alvarez ang nakasalubong ko.

"Where are you going? Bakit..." tinignan ako ni Captain mula ulo hanggang paa. "Napakanipis ng suot mo?"

Napatingin ako sa sarili ko mula sa repleksyon ko sa salamin ng hotel. Naka-ternong pajamas lang ako at hindi pa pares ang suot kong tsinelas.

Anak ng tokwa! Nagmamadali lang?!

Sasagutin ko pa lang sana si Captain pero isang mahaba at malakas na busina ang umagaw sa atensyon naming dalawa. Tinanaw ko ang pinagmulan niyon at nakita ko ang kulay pulang Ferrari ni Attorney na naka-park sa tabi. Nagmamadali masyado!

I looked at Captain apologetically. Bumagsak ang tingin ko sa hawak niyang jacket na naka-ambang iabot niya sa 'kin.

"Sorry, Captain. I have to go. Good night!"

Nilampasan ko siya at naramdaman ko pa ang sunod na tingin niya sa 'kin patungo sa pulang ferrari ni Attorney. Agad akong sumakay sa front seat at manginig nginig pa ang buong katawan ko sa sobrang lamig. Nang lingunin ko sa gilid ko si Fyuch, parang mas lalo akong nilamig sa aura niya.

Inipit ko ang mga kamay ko sa pagitan ng hita ko upang bahagyang mainitan ang mga ito. Tahimik na may kinuha sa backseat si Fyuch pagkatapos ay ipinatong niya sa kandungan ko ang isang itim na jacket.

"T-Thanks," sabi ko at agad na isinuot ko ito. Kumalma sa panginginig ang buong katawan ko nang balutin na ako ng init ng jacket niya. Tapos ang bango pa. Amoy bb. Char.

Galit ka dapat, Portia. Galit ka. Please naman.

Ayokong mag-isip at mag-assume kung bakit siya nandito. Tahimik ko lang siyang hinintay na magsalita. Gusto ko man sanang manguna sa pagputol sa katahimikan naming dalawa ngunit hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Hindi katulad noon na walang pakundangan kong naisasatinig ang kahit na anong pumasok sa isipan ko. Ngayon ay may pag-aalinlangan nang pumipigil sa 'kin.

"Why were you crying, Portia?" He asked in a very stern voice. Parang nagtindigan ang balahibo ko sa tanong niyang iyon. Gusto ko siyang banatan ng kaharutan pero parang lowbat ang kalandian ko sa katawan.

Seryosong tumingin lang ako sa labas.

"Hindi naman ako umiyak."

"I clearly heard you sobbing."

"Namaliktenga ka lang siguro. Bakit naman ako iiyak?" hinaluhan ko pa ito ng pabirong tawa. Bumaling ako nang nakangisi sa kanya. "Bakit, Sam? Akala mo ba talaga nagseselos ako? Do you really think you have that effect on me?"

Nangunot ang noo niya na tila hindi mapaniwalaan ang sinasambit ko. I can't let my feelings get too deep for someone who can't reciprocate it. I can't be stupid twice.

"I'm not stupid to get jealous with someone not mine. Maharot lang, pero 'di tanga!" pinilit ko pang tumawa ulit at sobrang galing ko na yatang umarte dahil maging ako ay napaniwala ko yata ang sarili ko sa sinabi kong iyon.

"So I was just being fucking mistaken all this time."

Naguguluhan akong napatingin sa kanya.

"Mistaken of what?"

"Damn." He sarcastically laughed. Bahagyang napahampas pa siya sa manibela habang napaiiling. "Nothing. Maybe it was really just me."

"Hindi kita maintindihan." naguguluhang sabi ko.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now