Kabanata 17

26.5K 806 142
                                    

Kabanata 17

Abot tenga ang ngiti ni Easton, hawak ang kamay ko habang pababa kami patungo sa restaurant kung saan naghihintay ang parents niya at sina Daddy. Hindi ko nga napansin na may kinausap siyang attendant para sa aming reservation at napansin ko na lang na iginigiya na kami ng isang staff papunta sa private room na naka-reserve para sa amin.

Binawi ko ang kamay ko sa kanya bago tuluyang bumukas ang pinto at napunta sa amin ang atensyon ng mga nasa loob. Nakita ko ang pag-ngiti nilang lahat nang makita kaming magkasama. Paglapit namin, hindi man ako pamilyar sa mga magulang niya personally ay bumeso ako nang tumayo ang mga ito para salubungin ako. Tipid akong ngumiti kay Sen. Dela Vega nang sa kanya na ako nagbigay ng pagbati.

Yes, his father is the Senate President of the country. I know his father very well dahil hanga ako sa galing nito bilang isang lider. Bilang na lamang sa daliri ang mga pulitikong may malilinis na intensyon sa paglilingkod sa mga tao and I'm glad na isa roon ang ama ni Easton.

I used to think that my Dad already looked the strictest, but when I saw Sen. Dela Vega today as a father, I think I had a new definition of a real strict father.

His stares were so cold I could feel shiver down my spine. He stands like a very powerful man too that you wouldn't dare to disobey. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit marahil ay hindi kayang suwayin ni Easton ang kanyang ama. Mukhang kaya nitong gawin ang kahit ano, makuha lamang ang gusto.

"Nice to meet you, Senator." I politely offered my hand which he gladly accepted.

"Hija, just please call me Tito." Narinig ko ang mahinang tawananan ng mga kasama namin.

"O-Okay po, Tito." Tinignan ko ng masama si Easton at Allyson.

Samantala, ang Mommy naman ni Easton ay tila kabaligtaran ng lahat ng inilarawan ko sa Dad niya. She looks gentle which matched her husband's rough personality.

Magkatapat kami ni Easton sa isang pahabang lamesa. Panay ang lagay niya ng pagkain sa pinggan ko na labis ikinatutuwa ng aming mga magulang.

"I'm glad na nagkasundo na ulit kayong dalawa," nakangiting wika ng Mommy niya na panay rin ang sulyap sa amin kanina pa. I just smiled 'coz I really don't know what to say.

Nakita ko ang pagpipigil ng tawa ni Easton sa tuwing kakausapin ako ng Daddy niya at mukha akong matatae sa kaba. Sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa nang mahuli ko ulit siyang lihim na tumatawa.

"They look so perfect together, right?" entrada ni Allyson na wala naman dapat karapatang magsalita sa dinner na ito.

"I agree," pag sang-ayon ni Tita Estella. Napaka-elegante ng bawat kilos nito at maging ang paraan ng pagkain niya ay tila de-numero rin.

"I think we should already talk about the project we're launching after their official engagement party."

Napaawang ang labi ko sa sinabing iyon ni Tito. Engagement party? Bakit may gano'n? Bakit wala akong alam? Matalim akong napatingin kay Daddy na wala namang pake sa gulat kong reaksyon. What the hell?!

"Dad, I don't think we still need an engagement party." Nagulat ako sa sinabing iyon ni Easton pero mas ikinagulat ko ang paghawak niya sa kamay kong nasa ibabaw ng lamesa. His smile told me don't worry I got this. "Portia and I were both private persons. We don't want a party that would just break the solemn celebration we wanted. We think the presence of the both families are enough."

"I think your son has a point, honey," said Tita Estella. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang nakita ko ang pagtango ni Tito Clarence.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now