Kabanata 10

33.1K 819 416
                                    

Kabanata 10

"Kainin mo na, please?"

"No. It's so creepy. I can't even look at it."

"Edi pikit ka muna bago mo isubo."

Kulang na lang ay literal kong makita ang usok na nagmumula sa mga butas ng ilong niya. I showed him my saddest face but in the end, he still didn't eat it. Nakasimangot tuloy akong kumain.

Ang KJ!

"Sam?"

Sabay kaming napaangat ng tingin sa babaeng tumawag sa kanya. Nakatayo na ito sa gilid ng table namin.

Teka...Ito 'yung babaeng kasama niya sa club! Yung...yung...yung retokada! Bakit naman nandito 'tong made in china na 'to? Hehe.

"Jenny?"

Siya nga! Yung Jenny!

"What a coincidence! What are you doing here?"

"Malamang kumakain," pabulong na sagot ko sabay nag-iwas ako ng tingin.

Sinulyapan ko siya after few seconds na hindi pa rin siya umaalis at tinaasan agad niya 'ko ng kilay. In fairness, ang yaman ng dibdib ni ate ghorl. Tunay naman kaya? Chour!

"Do you need anything?" masungit na tanong ni Fyuch.

Tama 'yan! Iparanas mo rin sa kanya iyong mga kasungitan mo sa 'kin!

"I just bought a takeout. Favorite ko kasi ang food nila rito," super arteng sagot niya.

Sus. Di naman tinatanong e! Pero hayaan na. Share niya lang naman siguro.

"Kain na tayo, Fyuch. Gutom na gutom na 'ko," singit ko nang nakanguso pa para cute.

Bumaba tuloy ang tingin ni ate Jenny sa nguso ko. Yiee inggit siya. Very natural kasi ang pink kissable lips ko. Unlike hers, 'di mo sure.

"If you don't need anything then, we'd like to eat now."

"Can I join na lang? It's sad kasi to eat alone in my condo. Glad you're here!"

Hindi pa man sumasagot si Fyuch ay tumawag na si ate mo ghorl ng waiter para magpadagdag ng extra seat sa table namin, saka niya pinalagay sa plate 'yung takeout food niya.

Woah! Bilib naman ako sa kakapalan ng mukha nitong China doll na 'to. Can't she see that Sam's with his special someone? Hello? Hangin ba 'ko rito?

Napairap ako at nahuli pala ako ni Jenny doon. Kiber!

"Who is she, Sam?"

"His girl friend." Ako na ang sumagot.

Her forehead automatically creased.

"Since when did you have a girlfriend?" tanong niya kay Fyuch kahit ako naman 'yung sumagot.

Since birth, teh! Wala pa siya sa mundo nakatakda na 'kong maging girlfriend at asawa niya. Kaya pwede ba? Nangangain ako ng tao kahit hindi mukhang fresh. Kaso may preservative additives na 'to, so no thanks.

"Jenny, please. Let's eat in peace."

Dumating na rin iyong pagkain nya.

"Okay okay." She smiled at Sam then bumaling siya sa 'kin. I gave her my creepiest smile. Mukha siyang kinilabutan sa ngiti ko kaya gusto ko lalong matawa.

Pero in fairness ha. Medyo maganda ang pagkakagawa sa kanya. Hindi ko kasi mapigilan ang pagmasdan ang mukha niya dahil na-cu-curious ako sa kung papaano ang ginawang retoke sa kanya. Nahuhuli ko rin ang mga panakaw niyang tingin kay Fyuch kaya gusto ko tuloy tusukin ng tinidor 'yung mga mata niya imbes na 'yung mga takoyaki ko.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon