Kabanata 15

29.9K 761 146
                                    

Kabanata 15

"You two slept together?" tanong ni Captain na parang isang pulis na kinukumpirma kung sangkot ba ako sa krimen. Dagdag pa na naka-uniporme siya. Shocks.

"Hala, Captain! Ano ba 'yang iniisip mo!" umiling ako at iwinagayway ko pa ang dalawang kamay ko para burahin ang kung ano mang tumatakbo sa kanyang utak. "Ano lang... ahm... natulog lang kami at..."

Shit shit shit. Bakit ba 'ko nagpapanic?!

"At?"

Napakamot ako sa ulo ko.

"Nag jack en poy!"

Wew! Nasabi ko rin! Umakto pa 'kong pinunasan ang pawis ko sa noo kahit wala naman. Nilapitan ako ni Captain at hinawakan niya 'ko sa ulo na parang aso. Gan'to siguro feeling ni Tammy sa tuwing hahawakan ang ulo niya. Hehehe.

"Sa kanya ka ba sasabay?" halos pabulong na tanong niya at saglit na sinulyapan niya si Fyuch na bumalik sa CR.

Mabilis akong tumango.

"Basta 'wag ka ng magtanong ngayon Captain. Pag may time pagbalik natin sa Maynila, chichika ko sa 'yo, oki?" sabi ko nang nakatingala dahil ang lapit niya at ang tangkad din niya.

Hinatid ko siya sa labas at hinintay ko munang tuluyan siyang mawala sa paningin ko bago ako pumasok ulit sa loob. Pagbalik ko ay nakabihis na si Fyuch at mukhang may dala naman siyang extrang damit sa sasakyan dahil iba na ang suot nito sa kagabi.

"Did you send your guy well?" tanong niya habang nagbo-blower siya ng buhok. Mukhang mas high maintenance pa 'tong lalakeng 'to sa 'kin.

"Again, he's not my guy." Pagka-klaro ko at nag-ayos na rin ako ng mga gamit ko.

Paglabas namin ng room ay saktong palabas na rin mula sa kani-kanilang mga kwarto iyong mga ka-team ko. Napatingin silang lahat kay Fyuch na nakasuot ng white shirt na pinatungan niya ng black coat, tapos denim pants. Nakita ko kung paano iniscan ng mga mata ng mga ka-team ko si Attorney mula ulo hanggang paa. Hindi naman niya pinansin ang mga ito at dere-deretso lang siyang naglakad papuntang elevator.

Pagsakay namin sa elevator, siniko ako ni Justine sabay nginunguso kung sino itong kasama ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay at dinedma. Close ba tayo? Char.

Binigay ng valet ang susi ng sasakyan ni Fyuch at pinagbuksan niya 'ko ng pinto. Lumelevel up na kami 'di ba? Pinagbubuksan na niya 'ko ngayon ng pinto. Ahihi. Habang nasa byahe kami ay medyo inantok ako kaya umidlip muna ako dahil late na kaming natulog kagabi tapos maaga pa 'kong gumising dahil sa seminar.

"Portia?"

"Hmm?" nagising ako sa kamay na bahagyang tumatapik sa pisngi ko.

"Portia, wake up. Let's have dinner first."

Pagdilat ko ay gwapong anghel agad ang nasilayan ko. Nasa langit na ba ako? Charot. Sana laging gan'to ang bumubungad sa paningin ko sa tuwing gigising ako. Ahehe.

Nag-inat inat muna ako bago bumaba ng sasakyan. Nasa Pangasinan pa lang pala kami.

Fast food chains lang halos lahat ng kainan dito kaya inaya ko siya doon sa may mamihan na nasa tawid ng kalsada.

"First time mo sigurong kumain sa gan'to?" tanong ko nang mapansin kong pinagmamasdan niya ang paligid. Malinis naman pero syempre kung ikukumpara mo sa mga mamahaling resto na kinakainan niya ay talagang ibang iba!

"Are you sure that this place has undergone proper health inspection for safety compliance?" Pinanlakihan ko agad siya ng mata at tinapik ko siya sa braso. Baka mamaya ay may makarinig sa kanya rito, nakakahiya!

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now