Kabanata 47

17.1K 592 100
                                    

Kabanata 47

Hindi ko alam kung papaano kong na-survive 'yung buong araw kasama si Adara na ganito ang nararamdaman ko.

I'm not exactly mad at her. I'm more mad at myself for being so jealous as fuck that it's silently killing the inside of me. Sobrang nakaka-guilty sa pakiramdam na sa tuwing titignan niya 'ko ay gusto ko agad na umiwas. Mabuti na lang at napakadaldal ni Easton. His talkativeness literally saved my ass.

Nang pauwi ay pinagpilitan ni Easton na sa kanya ako sumabay. Since ayoko rin naman na mapag-isa ulit kasama si Adara, pumayag agad ako.

"Kanina ka pa tahimik. Tingin mo ba 'di ko napapansin?"

"Tinatamad lang akong magsalita."

"You can't fool me, Portia. Kilalang kilala kita mula loob hanggang labas."

Natawa ako sa sinabi niya. "Ulul."

He drove with one hand while his free hand was on his chin.

"Ano nga'ng problema mo? Kahit naman 'di mo na 'ko mahal, bukas pa rin ang puso ko para pakinggan ka lagi. I know how much you hate it when no one listens to you. At sana alam 'yon ng abogado mo."

Hindi ko tuloy mapigilang mapangisi. "Kabisadong kabisado mo talaga ako 'no? Pero 'wag kang mag-alala, alam ko ang ginagawa ko."

"I just wish you wouln't cry silently trying to hide that," aniya at saglit akong sinulyapan. "Dahil baka mapatay ko 'yang bago mo kapag pinaiyak ka niya."

"Sana inuna mo sarili mo noong unang pinaiyak mo rin ako."

"If you only knew, Portia."

Bago kami makarating sa condo ay naalala ko 'yung binili kong regalo sa kanya. Kinuha ko agad ito sa bag ko at hinagis sa kandungan niya.

"Regalo mo."

"Nice!" Natatawa niyang kinuha iyon. "Hulaan ko ano 'to. Kapag ito 'yung bagong labas na action figure, ibig sabihin hindi ka pa rin nakaka move on sa 'kin."

"Assuming ka uy."

Nakangisi niyang binuksan iyon pagkahinto namin sa tapat ng condo.

"I knew it!" He squeled. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Alam na alam mong huliin ang kiliti ko."

"Wala lang akong maisip kaysa sa bigyan kita ng brief," pagdadahilan ko. 

A grin painted on his mouth. "Pwede rin naman. Dapat sinamahan mo na 'tong regalo mo para sa tuwing suot ko maalala kita palagi."

"Siraulo ka. Osige na baba na 'ko. Happy birthday ulit at sana seryosohin mo 'yung wish ko for you. Try entertaining other girls, okay?"

He just rolled his eyes. "Whatever you say. Bye, Love."

"Bye, asshole."

Nakangiti akong naglakad papasok ng building. Pero nang makalabas na 'ko sa elevator ay agad na nawala na ulit iyong ngiti ko na 'yon. Bumalik na naman sa isip ko 'yung tungkol sa bagay na gusto ko na sanang kalimutan. Kaso para itong anino na ayaw akong lubayan—anino ng best friend ko na hindi ko magawang takasan.

Napabuntong-hininga ako ng malalim. Pakiramdam ko ay napakakitid ng utak ko para magdamdam sa isang bagay na tapos na. Pero mali ba na mag-demand ako nang higit sa ginawa niya sa unang babaeng minahal niya?

I just want him to give me more of himself. Ayoko ng pakiramdam na parang tira-tira na lang ang naiwan sa 'kin. Pero paano ko aaminin sa kanya iyon nang hindi ako nagmumukhang pathetic? Parang kahit saang anggulo ko kasi tignan, napaka-hopeless ng kalalabasan ko. 

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now