Prologue

141K 3.8K 863
                                    

Matalino akong tao.

Honor student since elementary. Laging top one sa klase. Okay may times na nalaglag ako sa top two pero sa final grading, lagi kong sinisigurado na ako pa rin ang nasa tuktok.

Ilang Quiz Bee na rin ang napanalunan ko. Lagi pa akong sinasali sa regional at ang dami kong napabagsak na kalaban doon.

On top of that, I am the class president. Binoto nila ako dahil alam nilang ako pinaka responsableng tao sa klase namin. Well alam kong pinag sisisihan nila 'yon lalo sa mga pagkakataong 'yung mga gusto nilang mangyari ay against sa alam kong tama. Pero wala akong pakielam. Basta ginawa ko ang tama.

Dahil allergic ako sa pagkakamali.

But now? I am on the verge of making a huge mistake.

Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Slightly nakatingala dahil bukod sa ang laki ng tangkad niya sa akin, nakaupo pa siya sa arm desk ng silya sa tapat ko. There's a mischievous smile on his face while looking at me. Hawak niya sa kaliwang kamay niya ang isang polaroid picture na kanina ko pa inaagaw pero hindi ko makuha-kuha.

Tinignan niya yung polaroid at mas lumawak ang ngiti sa mukha niya.

"I can't believe this Miss President," sabi niya. "May gusto ka sa kanya?"

Hindi na ako umimik at tinignan ko na lang siya nang masama. Denying it would make me look more guilty. Mag aaksaya lang ako nang laway sa pag e-explain dahil huling huli na rin naman niya ako.

Bad trip.

"Marunong ka rin pala magka gusto. Akala ko puro aral ka lang at utos sa mga kaklase, eh," pang aasar niya. "Should I tell him?"

"Don't you dare..." I trailed off. I usually sound authoritative kaya tinatawag ako ng iba na bossy. Pero ngayon, my voice is sound so small I hate it.

Bumaba siya sa pagkakaupo niya sa desk at nilapitan niya ako. Ang tangkad niya. Halos hanggang balikat lang niya ako kaya naman bahagya siyang yumuko para silipin ang mukha ko.

"Don't I dare what?" he asked with a playful smile on his face. "You can't boss me around, Miss President. You know that, right? Kelan pa ako sumunod sa'yo?" tanong niya na may halong pang aasar.

Oo. Siya ang numero unong sakit sa ulo ko. Mas marami pa ata ang oras na nilagi niya sa detention kesa sa klase. Pero walang kadala dala. Palagi pa rin gumagawa ng gulo.

And I can't believe that this guy is outwitting me right now!

"W-wag mong sabihin sa kanya," halos pabulong kong sabi. "Please..."

Mas napangiti siya at pintaong niya ang kamay niya sa ulo ko. Gusto kong hawiin dahil ayokong may humahawak sa akin pero hindi ko magawa dahil nasa alanganin ako.

"Wow. First time kong narinig sa'yo ang salitang yan. Paki-ulit nga?"

"Wag mong sabihin sa kanya!" pag uulit ko na may halong inis.

"Hindi yan. 'Yung sinabi mo sa dulo."

Umiwas ako nang tingin, "please."

"Okay!" sabi niya sabay alis ng kamay niya sa ulo ko at bahagya siyang lumayo sa akin.

Napaangat ang tingin ko sa kanya. "Okay?" gulat kong tanong.

Tumango siya, "oo. Okay. 'Di ko sasabihin sa kanya."

"Talaga?"

Tumawa siya, "pero may kondisyon."

Sinasabi ko na nga ba.

"Ano 'yon?" tanong ko.

Tinitigan niya ako. Ngumiti siya nang malawak.

And I know right then and there, I am doomed.

~*~

#MoonChildWP 

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon