Epilogue

32.5K 1.7K 1.2K
                                    


EPILOGUE

"Isabit natin itong mga pictures sa office mo para naman mas may buhay," sabi ni daddy habang ikinakabit niya ang mga frames na pinag dadala niya sa pader ng vet clinic office ko.

Napailing na lang ako habang tatawa tawa pero hinayaan ko na lang siya. Eversince mag retire si daddy sa work as an architect, alam kong bored na bored na siya sa bahay kaya may mga ilang beses na napagtitripan niyang ayusin ang opisina ko. Siya rin ang nag ch-check kung ayos pa ang mga gamit at facilities sa buong vet clinic ko---after all, siya ang nag tayo nito.

"O ayan, 'di ba ang ganda ng mga nahanap kong litrato?" sabi ni daddy. "O siya, aalis na ako at nag yayayang mag bike yung mga ninong mo, eh."

"Ingat daddy ah? Wag papakapagod. Tsaka mag helmet ka!"

"Oo na oo na doc," sabi nito na parang naririndi sa mga paalala ko pero natatawa tawa rin. "Good luck sa duty anak." He gave me a hug bago siya lumabas sa clinic ko.

Pagkalabas ni daddy ay napatingin ako sa mga litrato na isinabit niya sa wall ko.

Yung isa ay yung sablay picture ko for my graduation. Naalala ko ang proudest moment ni daddy nang maka-graduate ako as vetmed sa U.P. He was teary eyed habang niyayakap ako at sinasabing "I'm so proud of you, anak. I know your mom is proud of you too."

The second picture is yung family picture namin na kasama si mommy. Katabi noon ay ang picture namin ni daddy sa garden ng bahay namin. Karga karga ko si Sebbie sa braso ko.

Napatayo ako at nilapitan ko yung picture at tinitigan ko maigi si Sebbie.

Ang liit niya pa rito. Halos kaka rescue ko palang sa kanya dito. At halos kakabati lang din namin ni daddy nung time na 'to kaya naman medyo awkward pa ang ngiti namin. Pero hindi mo maikakaila ang saya.

The next picture is a picture of me and Sebbie when Sebbie is older. Karga karga ko siya. My nose is buried on his fur.

Napahinga ako nang malalim as I feel teary eyed. I miss Sebbie so much. I remember when I first opened this clinic, Sebbie was my first patient. He's already terminally ill that time. I tried everything in my power to save him, pero wala eh, hindi na kinaya. In the end, Sebbie was also the first patient I had to put to sleep. Up to this date, I find it hard to adopt a new pet.

Tinignan ko yung iba pang mga pictures na isinabit ni daddy. Meron nung araw naging licensed vet doctor na ako. Nung araw na binuksan ko ang clinic ko. Meron din mangilan ngilang picture ng mga kaibigan ko noong college.

And then, sa dulo, our high school graduation.

It's a group picture kasama ang mga kaibigan ko noong highschool. Napangiti ako habang inaalala ko ang mga panahon na 'to.

It's been ten years, huh? Ang tagal na rin pala. We were so young back then. So immature. But we've grown up a lot.

Noong first two years ng college, ang sipag namin magkita kita monthly. Minsan twice a month pa nga. Pero habang dumarami ang college requirements, habang nagiging busy ang lahat, mas dumadalang ang pagkikita kita. Mas dumadalang ang communication.

Ang monthly namin ay naging yearly get together na. Hindi pa palaging kumpleto dahil may mga hindi nagtutugmang schedule.

Noong mapasok si Chichi sa isang airline as a flight attendant, may mga times na hindi na siya nakakasama sa amin dahil may flight siya.

Stay Wild, Moon ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon